Chapter 35: Sensual Friction

3.6K 109 4
                                    

꧁JAYVEEN꧂

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

JAYVEEN

HULING araw bago ang mahabang bakasyon. Sabik na sabik ang lahat magsiuwian habang ako ay hindi mapakali.

"Steve's on his way. Nasundo na raw niya si Mommy," wika ni Toni sabay hawak sa kamay na kakatapos lang kausapin ang pinsan sa telepono.

"Sige. Eh sina AJ?"

"Nasa canteen pa rin sila. Doon na lang daw tayo magkita-kita while waiting for Mommy and Steve. Kinakabahan ka ba?"

Tumango ako. Sino ba namang hindi kakabahan kung lahat ng barkada ni Toni ay pupunta sa munti naming tahanan tapos hindi ko pa alam kung ano ang magiging reaksyon ni Papa tungkol sa imbetasyon ni AJ. Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin ako makapaniwala na natapos rin sa wakas ang problema namin ni Toni dahil matindi talaga ang galit ni Papa nang makita niya ang kumalat na bidyo ng pagkalunod ko.

"Don't worry. Mom will be there."

"Natatakot lang ako na baka makaramdam ng panliliit si Papa."

"Baby, hindi naman siguro. Mom will just be there to support AJ. And if they will approve, doon sila sasakay sa car ni Steve going to our home para doon na sila e-pick-up ng service ng resort."

"Iyon na nga ang point ko, Babe. Lahat kayo ay may kaya. Hindi lang may kaya kung hindi sobrang yaman pa, samantalang kami ay nakatira lang sa munting kubo. Simpleng tao. Simpleng pamumuhay. Don't get me wrong, okay. Hindi ko ikinakahiya ang estado ng pamumuhay namin pero natatakot lang ako na baka manliit sina Mama at Papa."

"Don't say that," pag-akbay nito sabay halik sa gilid ng ulo ko na nakasanayan na niya talagang gawin. "I'm sure AJ and Mom have their way of choosing the right words to say upang hindi makaramdam sina Tito at Tita ng ganoon. Naniniwala rin ako na their calmer now. If they'll have an issue about that incident, I believe masosolusyunan ni AJ 'yan."

AJ's a business sweet talker ika nga ni Toni. Kaya daw mahal na mahal ng Dad niya ay dahil hindi lang ito mabilis matuto sa business kung hindi ay matalino pa. May isang problema nga lang—si Amber.

Hindi na lang ako nagkomento pa at ngumiti na lang dito dahil kahit sino sa aming dalawa ay walang nakakaalam kung ano talaga ang magiging reaksyon ng mga magulang ko. Sana lang ay tama ito dahil gusto ko talagang magawa namin ni Toni ang mga gustong plano nito dati. The last time we went to AJ's family's resort, our hearts were heavy and we were not talking. At ang ending, hay, the deadly and most shameful way of telling everyone that I don't know how to swim.

Habang naglalakad kami ni Toni papuntang kantina at magkahawak-kamay ay may grupo ng mga estudyante na pasalubong sa amin. Yumuko lang ako dahil hindi pa rin talaga ako sanay sa atensyon ng ibang tao. Napansin yata iyon ni Toni dahil hinalikan na naman ako nito sa gilid ng ulo.

"Hello Ate Jayveen! Hello Toni!" bati nila nang magkasalubong na kami.

"H-hello," pagdadalawang-isip na bati ko sa kanila habang si Toni naman ay kampanteng bumati rin.

Drunken Love (The High Five Book 1)Where stories live. Discover now