Chapter 34: #jayni

3.8K 125 18
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


JAYVEEN

LINGGO ng gabi ay pinasama na ako ni Papa kena Toni. Gusto pa sana ng mga magulang nito na sa kanila na muna ako umuwi pero dahil ayaw naming dalawa na may masabi ang mga magulang ko, pati na kapatid ni Papa, minabuti na lang naming magpahatid na lang sa bahay ni Tito. Kailangan ko rin kasing kunin ang mga gamit ko doon pabalik sa dormitoryo. Mabuti na lang at kinabukasan ay hinatid ako ni Tito ng maaga sa dormitoryo kaya hindi ako nahirapan sa dami ng gamit ko.

Hindi naman gaano katagal nung huli akong umuwi sa dormitoryo pero pakiramdam ko ay ilang buwan din ang nagdaan.

Pagbukas ko ng pinto ay muntikan ko nang maibato ang bitbit kong paper bag kay Toni.

"Good morning!" masigla at malakas na bati nito.

Nakalimutan ko na may susi pala siya ng kwarto.

"Welcome back, Babe!" diretsahang pagyakap nito sa'kin.

"Gusto mo ba akong atakihin sa puso?! Hindi ka man lang nagsabi!"

Tumawa ito kita pati gilagid.

Hay, Toni. Kung hindi lang talaga kita mahal!

"Syempre, sorpresa nga, di ba?" nakangiti pa rin nitong sagot habang kinukuha mula sa'kin ang mga dala ko.

Habang inilapag nito ang mga gamit ko malapit sa aparador ay doon ko lang napansin ang isang malaking pumpon ng mga pulang rosas sa higaan. Sinulyapan ko ang ngayon ay nakangiti kong girlfriend na tila kinakabahan sa magiging reaksyon ko. Ako naman ay nanlalamig at nanginginig ang mga kamay habang hinay-hinay na kinuha ang tungkos sa aking higaan at inamoy.

Nakakaloka! Sa pelikula ko lang ito nakikita pero ngayon ay nararanasan ko na!

Ang haba-haba ng buhok mo, Jayveen!

Sa sobrang lakas ng pagtibok ng puso ko ay hindi ko na alam kung kinakabahan ba ako o nasosobrahan lang sa galak.

Doon ko lang napansin na meron din palang kard sa tabi ng pinaglagyan nito ng tungkos.

"Read it," sabik na wika ni Toni sabi sabay yakap sa'kin mula sa likod. Hindi ko man lang napansin na nakalapit na pala siya. Mas lalo tumuloy lumakas ang tibok ng puso ko.

Bulaklak, kard, yakap... naku po, Toni! Magkakasakit yata ako sa puso sa sobrang pagpapakilig mo!

Hinay-hinay kong binuksan ang kard at habang ginagawa ko iyon ay hinalikan naman ako nito sa leeg.

Anak ng pitong puting tupa! May dala bang milyong-milyong bultahe ang labi niya?!

To My dearest Jayveen,

I know I haven't been on my best foot these days but from this day on, remember this, I'd be the best of me to deserve every inch of you, even at your worst.
Thank you for making me the luckiest and blessed drunkard alive.
I love you, Baby. Words truly couldn't fathom my deepest sincerity of love.

Your GIRL,
TONI

Drunken Love (The High Five Book 1)Where stories live. Discover now