Chapter 31: Cutting Classes

3.5K 129 17
                                    

꧁PATRICIA꧂

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

PATRICIA

HINDI na ako mapakali sa kwarto. Pakiramdam ko ay mahihimatay na ako sa kaba. Tapos hindi pa sinasagot ni Ate Jayveen ang tawag ko. Nakaka-trauma ang mga pangyayari. Parang ayoko na rin muna talaga mainlove dahil baka gaya ni Ate ay hindi pa ako makapagtapos ng pag-aaral.

"Hay, salamat at sa wakas ay sinagot mo na ang tawag ko, Ate!"

"Patricia, nasa duty ako. Alam mo naman 'yon, di ba?"

"Oo nga, Ate, alam ko pero mamamatay naman ako sa kaba kapag hindi kita kinausap. Naiihi na nga ako sa kaba, eh. Wait Ate. Hold on. I'll go to the toilet."

"Hay naku sayo Patricia. Bilisan mo dahil maraming tao."

Dali-dali akong tumakbo sa banyo at nagtanggal ng pang-ibaba upang makaihi. Nang ready to talk na ako ay kinausap ko na ulit ito.

"Toni's parents are here."

"Ano?! B-Bakit? A-Ano daw ang kailangan nila? K-kasama ba nila si Toni?!"

Napangiti ako. "O di ba? My call is important."

"Wala akong oras sa kalukuhan mo Patricia—"

"Hindi nga ako nagloloko. Andito nga sila kaya kinakabahan ako! Sendan pa kita ng video, eh."

"Teka bakit ba raw sila andyan? Anong meron? Galit ba sila? Hinahanap ba nila ako? Naku Patricia! Puntahan mo sila! Alam mo naman si Papa kapag nagagalit, walang kinikilalang tao. Huwag mo hayaang bastusin sila ni Papa. Umawat ka kaagad."

"Ate, gets ko pong mas malaki ako sayo pero hello? Gagawin mo akong bouncer? Ayoko nga!"

"Patricia naman, eh! Magseryoso ka naman. Tawagan mo ako ulit kapag nakaalis na sila, ha. Sabihan mo ako anong pinag-usapan nila!"

"Dagdag allowance muna," pabiro kong sabi.

"Ako ka sinuswerte? Ibigay mo muna ang gusto ko upang bigyan kita ng dagdag sa allowance mo."

Napangiti ako hanggang tenga. "Sos! Totoo yan, ha? Baka naman—"

"Oo nga kasi! Sige na! Kailangan ko nang bumalik sa trabaho. Tawagan mo ako agad ha!"

"Akala ko ba busy ka?" pang-iinis ko rito. Pumapag-ibig na talaga si Ate.

"Eteks mo nalang pala ako."

Napangiti ako sa sarili.

"Okay," asang-asa kong sagot habang iniisip ang dagdag ko sa allowance.

Ngunit pagkalabas ko ng banyo ay bumalik naman ang lahat ng kaba ko. Mas lalo pang lumala dahil sa narinig kong tila may umiiyak.

Hinay-hinay akong naglakad papunta sa kusina at sumandal sa manipis na dingding na tanging naghihiwalay sa munting kusina namin at sala.

"My daughter saved yours," dinig kong sabi ni Tito.

Drunken Love (The High Five Book 1)Where stories live. Discover now