Chapter 33: Dream Come True

3.7K 111 18
                                    

꧁JAYVEEN꧂

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

JAYVEEN

HINDI pa rin kami lubos na makapaniwala ni Toni sa buong pangyayari samantalang ang lahat ay umaasta na para bang wala man lang pinagdaanan na hidwaan. Marahil dahil sa kami lang naman ni Toni talaga ang walang alam sa mga nangyari buong linggo. Sino ba naman kasi ang mag-aakala na pupunta pa talaga dito samin ang mga magulang ni Toni upang pakiusapan ang mga magulang ko. Magulang sa magulang.

Nakakapanibago man pero nakakataba rin naman sa puso.

Parang kailan lang ay tila sasabog na ang puso ko dahil sa puot at sakit na aking naramdaman. Hindi naman kasi sana mahirap piliin ang pamilya ko dahil sa tanang buhay ko, iyon ang isang bagay na hindi na kailangan pang pagdesisyon. Pero sa pagkakataon na iyon ay nalagay ako sa isang posisyon na mas gusto kong ipaglaban ang taong mahal ko kahit pa itakwil ako ni Papa. Nakakatakot. Mabuti hindi ko nagawa. Mabuti at naghintay ako sa tamang oras. Naduwag din kasi ako't natakot dahil ang buong akala ko ay wala naman itong patutunguhan.

Habang naglalakad kami ni Toni ngayon paakyat sa bundok ay hindi ko mapigilang magpasalamat sa Poong Maykapal. She is indeed the best example of a blessing in disguise. Noong una ay nagreklamo pa ako kung bakit ko siya nakilala. Iyon pala ay kailangan naming pagdaanang dalawa ang lahat ng pagsubok na iyon upang tumibay pa ang kung anuman ang namamagitan sa aming dalawa.

"Wow! Just wow!" paggising ni Toni sa malalim kong pag-iisip.

"Hoy Toni! Mahuhulog ka!" sigaw ko nang tumakbo ito pagdating namin sa mismong tuktok ng bundok. "Toni!"

"I know. I know. This is just so beautiful," nakangiting wika nito habang nakatanaw pa rin sa napakagandang takip-silim.

I couldn't blame her. Iyan kasi talaga ang dahilan kung bakit ko siya dinala rito. Dati pa sana, eh, kaso naaksidente siya at ang dami pang hindi magandang pangyayari.

"Upo tayo," imbita ko rito na sumunod din naman agad. "Saglit! Madudumihan 'yang suot mo."

Parang batang tumayo ulit ito't umupo agad nang maayos ko na ang sapin. Hindi makapaghintay.

"This is so beautiful, Jayveen," ulit na naman nito. "Salamat."

Ito ang isa sa mga katangian ni Toni na nagustuhan ko, hindi siya mahirap pasayahin at marunong siyang makuntento sa simpleng bagay. Well, God's nature is never simple. Ang ibig kong sabihin ay hindi ko kailangang gumastos upang mapasaya siya ng ganito.

"Mabuti naman at nagustuhan mo," wika ko.

Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa hindi masukat na kasiyahan. She looked so calm and content, and it's overwhelming to see. Parang ngayon lang kasi kami ulit nakahinga ng maayos.

Itutuon ko na sana ang buong atensyon ko sa magandang tanawin nang bigla ako nitong inakbayan upang kumuha ng litrato. Agad nga lang ito kumuha nang hindi man lang ako binigyan ng oras na makapaghanda.

Drunken Love (The High Five Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon