Chapter 38: First

3.5K 115 2
                                    

꧁JAYVEEN꧂

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

JAYVEEN

HINDI ako makapaniwala sa nadatnan kong handa ng mga magbabarkada, pati na rin ng officers ng grupo nila, pagkapasok ko sa isang function hall ng hotel. Puno ng pulang rosas ang buong paligid, mapa palamuti sa pader, sa bulaklak sa mesa at sa chandelier sa bawat taas ng mesa.

Bilog ang hugis ng mga mesa't gold naman ang kulay ng mga upuan. And to accentuate the color of the venue, the table cloth color is of both red and cream. It's like celebrating golden years of love. Pero may mas higit pa na humagip sa puso ko—ang mga bisita ng okasyon na ito.

Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili na mapaluha.

"I know you'll love this idea kaya hindi kita sinabihan. Gusto rin kasi kitang masurpresa," puna ni Toni sa reaksyon ko habang pinunasan nito ang kaunting luha sa pisngi ko.

"Kaya ba hindi niyo na lang itinuloy ang gift giving?"

Tumango ito. "Naisipan namin na instead of exchanging gifts to ourselves, why not give it to others. So, we decided to make a party for the elders from three Home of the Aged."

Isa sa mga pangarap ko ay ang makagawa ng Home of the Aged at orphanage kung sana ay mayaman ako. Kaya nang makita kong puno ng matatanda ang buong hall ay hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Parang pinatikim sa akin ng Diyos ang pakiramdam ng makatulong at makapagpasaya sa mga matatanda.

"Their faces have totally lit up," patuloy na pagkwento nito. "Para silang ibang tao ngayon. Binibisita namin sila time to time at mapapansin mong malungkot sila kahit nakangiti. But now, they are free from the prisons of sadness. They don't look like the same person we met before. Iba pala talaga ang epekto ng totoong saya no?"

Inakbayan ako nito at hinalikan sa ulo.

"Pumupunta pala kayo lage sa home for the aged at orphanage?"

"Oo. I mean before nakakasama ako sa kanila. But starting second semester ay hindi na ako nakakapunta dahil sa dami ng mga nangyayaring sa buhay ko."

Napangiti ako sa tugon nito. Alam na alam ko kasi kung ano ang ibig sabihin nito.

Kaya rin pala inubos nya talaga ang tanang oras niya kahapon pati na rin ngayon upang makabawi lang sa mga barkada.

Hindi ko tuloy mapigilan ang sariling yumakap kay Toni kahit pa sa harap ng lahat ng tao sa loob ng function hall.

"Hindi mo alam kung paano mo ako pinasaya. Sana ay binyayaan pa kayong magbabarkada upang mas makatulong at makapagpasaya pa kayo sa mga nangangailangan. At salamat dahil bawat araw na mas nakikilala kita ay pinapatunayan mo lalo na nasa tamang tao talaga ako," wikang pasasalamat ko kay Toni.

She makes me so proud of her that I couldn't even find the correct words to voice it out. Mas lalo akong nahuhulog sa kanya.

"Ako din Dragon, pa-hug."

Drunken Love (The High Five Book 1)Where stories live. Discover now