Chapter 15: Accidentally... Not Entirely

4.5K 136 18
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


TONI

NAPABALIKWAS ako mula sa pagkakahiga dahil hindi ko na makayanan ang pagkainip na mag-isa sa kuwarto at hintayin lang ang oras upang puntahan si JR. Pagkatapos naming kumain kanina ay bumalik na kasi siya sa sarili niyang lungga. Sinamahan ko lang siya saglit upang ako na ang magbitbit ng dala niyang bag.

Because I got used to taking care of my mom when Dad left us, I couldn't bear seeing ladies who are with me carrying their heavy stuff or doing chores that I could and should do for them, unless their partner is with us, like whenever A is around.

When I was a meter away or two from her room, I could hear not just a music but as well as her, singing with it. A happy curve instantly glued on my face. I had no idea she could sing! I carefully tiptoed so she couldn't hear me and luckily her door wasn't even locked, too.

Gosh, JR! Good thing you locked your door when we first met or else you would be scared to death seeing me in your room uninvited!

Hinay-hinay kong pinihit ang pinto at binuksan. Sumilip na muna ako upang makasiguro na hindi ako napansin nito. And as if today is just my lucky day, her back was against the door, busy arranging her cabinet.

An evil idea came to mind in a spark of lightning! Iniisip ko pa lang ay gusto ko nang humalakhak.

Ang tsinelas ko naman ang maingat kong tinanggal upang hindi talaga ako makagawa ng kahit kaunting ingay habang nilalapitan ito. Unfortunately, she stood and turned towards my direction when I was just a step or two to reach her.

"Aaaaah!!!" malakas na pagtili nito na pati ako ay napaatras sa pagkabigla.

I didn't expect her to scream as if she's literally seeing a ghost! Hindi ko mapigilan ang sariling matawa nang malakas dahil sa reaksyon niya. Ni kahit magaling na artist ay hindi siguro maipinta o ma-drawing ang mukha niya sa gulat.

Nang mapagtanto niyang ako lang pala iyon ay pinaulanan naman ako nito ng mga sapak sa katawan. Kahit umaaray ay tumatawa pa rin ako sa hindi makalimutang itsura nito. I thought it would be another epic fail moment but I succeeded!

"S-stop! Stop!" walang lakas na pagpigil ko sa kanya dahil hindi na ako makahinga sa kakatawa. "I need to breathe."

"Huwag na! Huwag ka nang huminga!" inis na wika nito sabay hampas ng isang unan sa likod ko.

Napaka-brutal talaga ng babaeng ito! Pero okay lang, ang kyut naman.

"Tumayo ka nga diyan!" sabay hila sa'kin upang makatayo. Sa kakatawa ko kasi ay pakiramdam ko maiihi na ako kaya napaupo na lang ako sa sahig. "Hindi pa ako nakapaglinis ng kwarto kaya huwag ka diyan sa sahig."

"So, okay lang pala na tinatawanan kita basta huwag lang sa sahig?" pagklaro ko na siyang kinais pa lalo nito.

"Ano na naman bang pakay mo, ha? Gusto mo yatang mamatay, eh!"

Drunken Love (The High Five Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon