Chapter 17

22 7 0
                                    


Chapter 17: Task 05

How could you vanquish your enemy?

Should you use your strength or your mental capabilities to kneel your opponent's knee?

Don't let your opponents vanquish yourself!
Just break it off !!

"Queen A!" Awtomatikong napalingon ako sa aking likuran ng marinig ang pagtawag ng isang babae. Queen A, ngayon lang nagsink-in sa utak ko ang kaniyang sinabi.

Tila ba'y nabuhusan ako ng malamig na tubig at gayon na lamang ang kabang namumuo sa aking dibdib. Naging tuliro ako sa mga oras na 'yun. Did she recognized who is the person she called? Did she knew the identity behind the her name and behind her red mask? Did she knew what her name? Those questions are playing around in my mind as it strikes my confusion over and over again. 

"Queen A!" Muling pagtawag niya sa pangalan na iyon. Muli kong binalingan siya ng tingin ngunit wala na siya ng mabalingan ko tanging ang boses lang niya ang naiwan na patuloy sa pagpasok sa aking tenga.

Mahina lang ang pagtawag niya subalit napaka lakas ang epekto nito. Hinihiling kong nasa panaginip lang ako... pero hindi iyon sumang-ayon sa aking iniisip. I could feel my knees are trembling, hindi ako makapag lakad ng maayos dahil nanginginig pa rin ang mga tuhod ko.

Ilang minuto na ang lumipas ngunit sariwa pa rin iyon at buhay na buhay pa ang pangyayaring 'yun.

"Miss, ayos ka lang?" Tanong ng isang lalaki na nakasalubong ko. Nakita kong nag-aalala siya dahil ipinapakita iyon ng kaniyang mga mata, hindi mapakali.

I sigh and smile flashing on my lips, "yeah, I'm okey. Thanks for your concern," I paused, "sige na mukhang nagmamadali ka,"

Nagkibit-balikat siya, "siguradong ayos ka lang?" I nod, nagpakawala siya ng buntong hininga, yumuko ng bahagya at nagpaalam na ito.

Inalalayan ko ang aking sariling maka-upo sa bakanteng bench sa lilim ng matayog na puno. Nagpalipas ako roon ng ilang oras, ng makuntento ay umalis na rin ako at napagdesisyunang  tumungo sa school library para mangalap ng impormasyong kinakailangan ko.

Napahinto ako sa harap niyon. Hindi ko maintindihan dahil mas nangingibabaw ang kaba kaysa sa pananabik na makuha ang aking ninanais.

Huminga ako ng malalim bago dahan-dahang binuksan ang dalawang malaking pintuan na gawa sa kahoy, bumungad sa akin ang pasilyo patungo sa librarian's desk.

Maraming upuan at mga lamesa ang nakapalibot tanging ang pasilyo lang ang may sapat na espasyo patungo sa nagtataasang mga bookshelf at ibang parte ng silid.

Ang lahat ng kagamitan sa loob ng silid aklatan ay gawa sa kahoy, mga bookshelf, lamesa, silya at tanging ang disenyo sa paligid ay gawa sa kahoy, naiiba lang ang sahig na gawa sa mamahaling marmol na mas pinaaangat nito ang kabuaan ng lugar.

Kung gaano ka simple ang nasa loob ay taliwas naman ito sa itsura ng nasa labas, nababalutan ito ng salamin ngunit hindi mo makikita ang nasa loob nito at tanging repleksyon mo lang ang iyong makikita. Isn't it amazing? I admire the person who designed this place.

"STRICTLY,
                 Silent or Death"

Napa awang mga labi, napataas ang mga kilay at sumabay na rin ang mga balahibo sa aking katawan.

"Silent or Death" I read it, again. Kinusot-kusot ko ng aking mga kamay ang mga mata ko nagbabakasakaling nagkamali lang ako sa aking nakita ngunit ilang ulit ko na iyon ginawa ay wala man lang nagbago sa nakasulat.

Alpha Magus University | The Hidden SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon