CHAPTER 1

3.6K 55 23
                                    


All my life, I believed that everything has an exchange. It doesn't matter how big or small that is. Because of that, I do not want to seek help from anyone. Afraid that they will ask for something that I am not capable of. 

As I grew up, I realized a lot of things. Things that I should have known for me to be able to prevent those from happening. Sadly, I cannot turn back time. So, here I am, facing the most terrifying world; School. 

Nandito ako ngayon sa tapat ng school na nag ngangalang 'Herrera Academy'. Mag-eenroll pa lang ako at sa lunes na ang simula ng klase. Eh, anong araw na ngayon? Sabado. Yes, VIP. 

Ang bagal ng paa ko habang naglalakad papasok sa loob ng academy. Ganito siguro pag labag sa loob ang mag-aral. Biro lang. Na-a-amaze kasi ako sa ganda ng Herrera Academy, parang hindi sila tumatanggap ng kagaya kong hampas-lupa. Parang may bumubulong sa akin na, "Lumayas ka! Hindi ka nababagay sa lugar na ito, hampas-lupa!"

Lumingon-lingon ako sa paligid at puno ito ng mga halaman. Isang engrandeng patio and dadaanan mo na may mga halaman at bulaklak ang paligid. Maraming building at halos lahat ito ay may taas na pitong palapag. Buti na lang at kaunti lang ang mga taong dumadaan, kung hindi, nagmukha akong tanga rito.

May sumalubong sa akin na security guard sa gate. Dalawa ang nakabantay rito at puro malalaki ang katawan. Nakakakaba, sign na ata 'to na hindi ako bagay rito. Nagulat ako nang biglang ngumiti silang dalawa sa akin.

"Good morning, what can we do for you?" the security guard asked. 

"Good morning po! Mag-eenroll lang po sana," 

"Naku, buti at nakaabot ka, Ms." Binuksan ng isang guard ang gate para papasukin ako. "Hatid ko na po kayo. Mahirap na po at baka maligaw ka rito. Sa laki nitong school na ito, baka abutin ka nang gabi pag naligaw ka." I smiled and nodded to him. 

"Hindi ko nga po akalain na ganito ho pala kalaki itong school na papasukan ko. Mukhang mga mayayaman ang nag-aaral sa school na ito, Sir Guard." We are talking while walking towards the principal's office. 

"Naku, dudugo ang ilong ko sa mga estudyante. Nagulat nga ako kanina at nagsalita ka ng Filipino. Kadalasan ng mga nakakasalamuha ko ay puro Ingles o kaya naman ay pinaghahalo." Mabait at masayang kausap si Sir Guard. Sayang at nakarating na agad kami sa Principal's office kaya nagpaalam na siya sa akin. Nagpasalamat naman ako dahil sa pagtulong at paghatid niya sa akin. 

Kumatok ako sa pinto ng Principal's office at nagulat ako nang bigla itong nagbukas. Sinalubong ako ng lalaking naka black t-shirt at maong pants. Sa tangkad nito, abot lang ako hanggang ilong niya. Dahil sa bigla niyang pagbukas, pareho kaming nagulat nang makita namin ang isa't-isa. Napasigaw kami parehas at pati ang principal ay nakisabay sa sigawan namin. 

"Tabi." Nakatulala lang ako sa kaniya dahil hindi pa ako nakaka-recover sa gulat. Gagong 'to, pinaglihi ata sa kabute. 

Nang mapansin ko na nakatitig na siya sa akin ay tumikhim ako at tumabi para makaraan siya. Inirapan ko siya at humarap sa principal na ngayon ay hawak-hawak na ang dibdib dahil sa pagkagulat. 

"Sorry po, Ms... Uhm, enrollee po." Panimula ko. I smiled at her awkwardly. Siguro natauhan na siya at inayos ang sarili bago sumagot sa akin.

"Name, please," she smiled at me before looking down at a piece of paper, maybe finding my name on it. 

"Arya Vasquez po," 

"Oh, I found it! You're the niece of Mr. Ethan Vasquez, right?" she asked, looking at me. 

"Yes po," 

"Well, welcome to Herrera Academy, Ms. Arya Vasquez. But before that, go first to the registrar's office to take your exam. Good luck, Ms. Vasquez!" she smiled at me. 

Verge of LifeWhere stories live. Discover now