CHAPTER 5

1.5K 29 12
                                    

"How's school?" Tita asked.

"Okay naman po, Tita,"

Kasalukuyan kaming kumakain ngayon ng dinner sa bahay. Maaga rin nakauwi ngayon sina Tito at Tita kaya sabay-sabay kami. Si Kuya naman ay wala pa sa bahay dahil busy sa school works.

Hapon nang umuwi kami galing Haven Garden. Ginawa pa kasi naman yung ilalagay naming concept and then i-insert na lang ang pictures. Si Belle na raw ang bahala sa powerpoint presentation. Habang ako at si Luke naman ang bahala sa reporting. Si Enzo naman, wala nang gagawin dahil siya na ang nakatoka kanina sa pag-picture at pag-take ng documentation. Si Lucas naman, ayun nagpresinta kay Belle na tutulungan daw niya. 

"May mga kaibigan ka na ba?" Tito asked me.

"Ay, opo, Tito! We are group mates po! Bali, five po kami lahat."

"Really? That's good to hear! Always remember, enjoy life but do not forget your limitations." Tita said with a smile on her face.

That's one of the things that they are always telling me, 'It's okay to enjoy, but never forget your limitations.' phrase. 

It makes sense, though, that all of us have limitations when it comes to the things that we are doing. Ang sobra ay nakasasama, ika nga nila.

Nang matapos kami sa hapag kainan ay nag kaniya-kaniya na kami sa pag-alis dahil may sari-sarili kaming gagawin sa buhay.

Nang makauwi si Kuya, halata mong stress na stress na sa buhay. Sabi ko kasi sa kaniya noon, 'wag na siya mag-aral dahil nakaka-stress lang 'yun. Eh, hindi nakinig, ayan tuloy stress si tanga. College pa nga.

Naghanda naman ako ng mga sasabihin ko para bukas. Nang biglang tumunong ang phone ko dahil sa messenger. Nakita ko agad ang name na 'Enzo Sanchez' sa screen ko. 

Kanina lang kami naging friends sa facebook. Lahat kami ay friends na sa facebook at gumawa pa si Lucas ng group chat namin. Ang name pa ng gc ay 'Arya, pa-fansign sa Kuya mo!'.

Enzo: Send mo d2 picture natin. Bilis. 

Tarantado 'to, ah.

Arya: 'Wag mo 'ko utusan. Baka masapak kita. 

Enzo: You're always harsh on me, Arya. 

Arya: Burahin mo video ko, baka magbago isip ko.

Enzo: No thanks. I'll accept all your harshness. 

Arya: 🙄

Arya: Sent 10 photos. 

Arya: Ayan na, baka umiyak ka. Kawawa ka naman. 

Enzo: Thanks! Btw, here's your picture. Sinama ko na rin 'yung pictures natin. Baka matuwa ka man lang.

Enzo: Sent 20 photos.

Nag-heart react naman ako sa pictures na sinend niya.

Arya: Thanks!

Enzo: How do you do that?

Kumunot naman agad ang noo ko sa tanong niya.

Arya: Do what?

Enzo: That 'heart' react!

Arya: Oh, that! Just hold this message, and then you can see a lot of choices. Try it!

After seconds, I saw his heart react to my message a while ago. From heart react, it changed into haha react, then wow react, sad react, and angry react.

Tinry niya talaga lahat.

Enzo: Woah, this is cool! Thanks, by the way.

Then, seconds after that, his 'heart' reacts to the pictures I sent earlier.

Verge of LifeWhere stories live. Discover now