CHAPTER 2

2.4K 45 24
                                    

Araw na ng kalbaryo. Medyo na late nga lang ako ng gising dahil hindi naman ako sanay gumising ng ganitong oras. 7:00 am nang gisingin ako ni Nanay Elsa para makapaghanda ako papasok. 8 am ang start ng klase namin kaya may isang oras pa ako. Ang kaso, nakatulog ulit ako at nagising ako 7:35 na. Para akong kidlat sa bilis ko kumilos. Yari talaga ako kay Elfordo. 

Bakit ba kasi kailangan pa mag-aral? Mamamatay rin naman. 

I am wearing our uniform and it is an above-the-knee length blue skirt and a white top with a tie at the neck. I did my hair and tied it in a ponytail style. I put some lip tint on because of my pale lips. And I am done! 

Badtrip si Elfordo kasi late siyang papasok ngayon dahil sa'kin. Talagang sobrang sama ng tingin niya sa akin sa loob ng sasakyan, kulang na lang ihulog niya ako. Bakit parang kasalanan ko?

When we arrived, most of them were staring. I don't know if I'm just maganda today, or dahil sa kasama ko na mukhang sinumpa. Just kidding. Well, maybe he's popular here. Taray, famous! How to be you po? 

Now, their attention landed on me — glaring at me. Not guilty, your honor!

Kung titignan sila, amoy Johnson's Baby Powder. Hmm, ang babango. At kung titignan ako, amoy gold s'yempre. Joke lang. Depende talaga sa mood ang amoy ko. Minsan, amoy Aqua ng Avon cool blue, minsan naman ay vanilla. Pero kadalasan ay amoy paksiw. Yummy! S'yempre, joke lang ulit. 

At dahil late nga kami, nang dumating ako sa classroom ay may professor na sa harapan. Kumatok ako para kunin ang atensyon niya. Napunta naman sa akin lahat ng atensyon nila. 

"Come in, you must be Ms. Arya Vasquez?" he asked me. I nodded. "Class, this is Arya Vasquez, your new classmate this whole year. By the way, I'm Mr. Santos. You may sit now, Ms. Vasquez." Sabay ngiti niya sa akin. I smiled back at him nodded and sat in the last row near the window. He looks in his mid-50s' and seems like a strict professor. 

I am taking a Science, Technology, Engineering, and Mathematics or STEM strand and I'm a grade 12 student. While Kuya Elford, he's taking a BS in Psychology and graduating this school year. 

Mr. Santos' currently discussing chemistry subject. Ang aga-aga, lunes na lunes, chemistry amputek. Eh, wala nga akong alam diyan sa putanginang 'yan. Tulog lang ambag ko sa chemistry nung grade 11 ako. Ang bagal talaga ng oras pag mga major subject na. Parang yung 1 hour nagiging 4 hours. Hay, buhay. 

And after centuries, natapos din. At ang magaling na nakasabay ko noong Saturday ay kaklase ko at ang malala, kararating lang. Duda ako sa isang 'to. Malakas kutob kong pumasok lang siya ngayon kasi tapos na ang chemistry. Alam ko na 'yan, dati kong gawain, eh. 

But of course, hindi siya pinalagpas ni Mr. Santos. Hindi pa kasi nakakaalis si Mr. Santos nang dumating siya. "Mr. Sanchez, you're late. Next time, you better be early so you do not miss our class. For now, you can ask Ms. Cruz about what we discussed earlier." He faced the class and bid his dismissal. 

And because there's no other chair available, he had no choice but to sit beside me. Hindi ko na siya pinansin at tumingin na lang sa bintana. Umopo naman siya sa tabi ko at humarap na siya sa phone niya. 

"Hi! I'm Isabelle Cruz! Nice to meet you!" pakilala ng isang babae. Nagulat ako at sa'kin pala siya nakikipag-usap. Akala ko ay sa katabi ko. Sa tanga ko, tinuro ko pa ang sarili ko para kumpirmahin na ako ang kinakausap niya. "Yes, you." She chuckled. 

"I'm Arya Vasquez, Ms. Cruz." Pakilala ko sa kaniya at ngumiti. 

"Belle na lang, hihi. What would you like me to address you?" she asked while smiling widely and she's so adorable. 

Verge of LifeWhere stories live. Discover now