CHAPTER 11

1.2K 26 12
                                    


"Masarap 'yan! Promise!" pang-eenganyo ko sa kanila."Tikman niyo, sinasabi ko sa inyo, masarap 'yan! 'Di ba, Mang Lando?" tanong ko sa nagtitinda ng mga street foods. Tumango naman ito.

Nasa isang pwesto kami ng nagtitinda ng iba't-ibang klaseng street food. Para itong karinderya pero puro mga street foods ang tinda. Isa rin itong sikat na tindahan dahil sa sarap ng mga pagkain. Malapit lang din ito sa Herrera Academy.

Dito kami madalas noon ni Kuya Elford, lalo na kapag may nakakalimutan siya sa bahay at kailangan ihatid sa academy. Dito agad kami didiretso pagkatapos ng klase niya. At s'yempre, libre niya. 

Nang ibaling ko ang paningin ko sa kanila, masayang-masaya sila sa kinakain. Parang kanina lang ay ayaw nila, no'ng matikman ay akala mo gutom na gutom. 

I laughed at how happy they were at this moment. I felt heartwarming at this sight. This is my life that I would want to continue. 

"Ako na po magbabayad, magkano po lahat?" tanong ko kay Mang Lando. Ngumiti naman siya sa akin. 

"500 lahat, 'nak." Tangina, parang gusto ko bawiin ang sinabi ko. 

Inabot ko naman agad ang bayad at halos ayaw ko pa itong bitawan.

Nasa labas naman sila at naghihintay sa akin. Sinabi ko kasi sa kanila na mauna na sa labas at magbabayad lang ako. 

"Bago mong kaibigan ang mga iyan, 'nak?" tanong sa akin ni Mang Lando habang kumukuha ng panukli. 

"Ay, opo, Mang Lando. Siya nga po pala, kailangan niyo po ba ng extra trabahador? Kahit ho taga hugas o taga serve na lang po." Nahihiya man ay nagbakasakali ako. 

"Ang akala ko ba ay uunahin mo ang pag-aaral mo? Hija, kaya kita pinayagan na umalis sa pagta-trabaho mo rito noon ay para makapag-focus ka sa pag-aaral." Sambit niya at hinarap niya na ako. "Kailangan mo ba talaga mag trabaho? Hindi ba ay nakatira ka na sa kamag-anak mong mayaman?" tanong niya sa akin.

"Pasensya na ho, kailangan ko lang talaga mag trabaho, Mang Lando. Nakakahiya na po sa tinutuluyan ko. Hindi naman po nila ako responsibilidad kaya hanggat maaari po ay ayaw ko pong umasa sa kanila." Paliwanag niya. 

"Dahil ba ito sa sakit mo? Kailangan mo ng pambili ng gamot? Pahiramin muna kita, Arya, kung kailangan mo na." May pag-aalalang saad niya. 

"Naku, ayos lang po ako," pagtanggi ko. 

Bigla naman dumating si Enzo at magsasalita na sana ngunit inunahan ko na. 

"Sige po, Mang Lando. Una na po kami," paalam ko. 

"Ikaw talagang bata ka, oh, siya, bumalik ka rito bukas." Pahabol niya bago kami tuluyang makaalis. 

Nilingon ko naman siya at nag-bow nang may ngiti sa labi. 

"What is it? Bakit ka babalik bukas?" Enzo asked me curiously. 

"Nothing, ngayon lang kasi ulit ako nakabisita sa lugar na ito. Close ko kasi si Mang Lando at marami siyang gustong ikwento sa akin." Pagsisinungaling ko. Tumango-tango naman siya na parang na-gets ang sinabi ko. 

Tulad ng sinabi sa akin ni Mang Lando, pumunta ulit ako sa pwesto niya kinabukasan. Wala naman masyadong tao nang makarating ako. Siguro ay dahil 8 am pa lang at kabubukas lang ni Mang Lando. 

"Good morning, Mang Lando!" bati ko sa kaniya na mukhang ikinagulat niya. 

"Ay sus, maryosep! Ikaw talagang bata ka, lagi ka na lang nang gugulat!" saway niya sa akin. 

Natawa kami pareho dahil doon. 

"Kararating niyo lang po?" tanong ko. 

"Kani-kanina lang, hija. Siya nga pala, nagpaalam ka ba sa Tito at Tita mo?" baling niya sa akin. 

Verge of LifeWhere stories live. Discover now