CHAPTER 22

2K 24 5
                                    


How can I continue to live after what I discovered? How can I apologize to Jessy knowing that I loved the people who killed her? Will she forgive me? I kept on thinking about ending my life. Just to seek forgiveness for Jessy. I... I don't want her to feel the sadness. Especially because of me.

These pains suck.

I want to curse myself. I want to make myself suffer. Thinking about killing myself would make me a good friend. Now, how do I face my friends? How can I face Belle? She'll loath me if she knows I can't save her sister. Our friend would be mad at me for just saving myself. What if -- they'll ask me why I'm the only one who survived? How would I answer that? What if, they want Jessy to be back, not me?

Are they even waiting for me? Would they miss me? Hmm?

My mind was always like this. So many thoughts. So many what-ifs. And it made me have so many difficulties. I am ill. I am so ashamed of myself. People are calling me crazy. Am I? 

"Hoy, baliw! Bumalik ka na nga sa inyo! Baka masagasaan ka pa riyan at kami pa ang masisi ng kamag-anak mo!" sigaw ng isang lalaki na sakay ng kotse. "Bakit ba pinapalabas ka at hinahayaan kang magpalaboy-laboy?!" inis niyang sigaw.

Pinagtitinginan na kami ng ibang tao at nagbubulungan na sila. Bakit sila nagbubulungan? Hindi naman ako baliw, ah? Hindi ko na sila pinansin at nagpatuloy na lang sa paglalakad. 

"Nakakaawa ang batang iyan, kay bata ngunit nawala na sa pag-iisip." Rinig kong sabi ng matandang babae. 

"Ano ba ang nangyari sa kaniya?" tanong naman ng isa pa. 

"Naku, dinala iyan dito ng pamilyang Vasquez dahil baliw at hindi nila kayang alagaan. May taga bantay lang iyan dito pero baka tinakasan na naman." 

Hindi ako baliw! Hindi! Bakit ba nila pinagpipilitan na baliw ako? Dahil ba tulala lang ako at hindi sumasagot? 

"Arya! Kumain ka na ba? Tara rito at naghanda kami! Birthday ko!" sabi ng isang may katandaang lalaki na nagngangalang Mang Lando. Malapit lang ito sa bahay namin at nakasalubong niya ako sa labas kaya nilapitan niya ako. Tinignan ko lang siya nang walang emosyon. Hindi ko alam paano magpakita ng emosyon. "Halika! Naroroon ang asawa ko at magtatampo iyon kapag wala ka." Tumango na lang ako at sumunod sa kaniya. 

I hate birthdays, Mang Lando. 

"Arya! Mabuti at nakarating ka! Tara sa kusina at naroon ang mga pagkain!" masayang salubong sa akin ng asawa ni Mang Lando na si Aling Sesil at iginiya ako sa patungong kusina. "Upo ka muna at kukuhanan kitang plato." 

Nang tignan ko ang mga handa, simple lang iyon. Ngunit marami iyon. Spaghetti, pancit, lumpia, at fried chicken. Fried chicken. I loathed eating it. I hate the feeling of eating that. 

"Oh, ayaw mo ng fried chicken, Arya?" puna ni Aling Sesil nang makita niya ang laman ng plato ko. Kaunti lang ang laman no'n. Wala akong gana. Lagi naman. "Oh, siya, baka busog ka. Kain ka lang, huh? Marami pang pagkain. Gusto mo ay mag-uwi ka sa inyo." Umiling ako kaagad. 

Sinong uuwian ko roon? 

"Putanginang bata 'to! Nakakapagod kang alagaan, Arya! Ayaw ko na!" sigaw sa akin ng babaeng nagbabantay sa akin sa bahay. Nurse siya at kinuha siya ni Ethan para may mag-alaga sa akin. Umalis na siya sa harapan ko at umalis na sa bahay. I guess she'll resign. 

Nakakasawa naman talaga akong alagaan. Wala namang may gusto sa akin. 

"Arya, anak... Are you okay?" tanong sa akin ni Stella. Kararating lang nila ngayon sa bahay. Siguro ay nagsumbong at nag-resign na sa kaniya ang nagbantay sa akin. Tinitigan ko lang siya at walang sinabi na kahit ano. "I guess you're not," niyakap niya na lang ako at wala ng sinabi. 

Verge of LifeWhere stories live. Discover now