CHAPTER 13

1.1K 23 10
                                    

"On Friday's the birthday of Belle. You'll come, right?" Liza asked me. 

Pagkatapos nang nangyari kanina, wala akong ibang ginawa kung hindi magtrabaho at mag-review kapag may free time sa karinderya. Maaga akong nagpaalam kay Tay Lando na uuwi dahil kailangan kong mag-review para sa exam namin bukas. Pinayagan naman niya ako agad-agad at mas mabuti raw kung huwag muna ako papasok para makapag-aral ako nang maayos. Hindi naman ako pumayag dahil sayang ang kikitain ko. 

Dahil kasama na rin namin si Morgan ngayon, hindi na masyadong mahirap para sa amin kung sakali man na may maunang umuwi o may lumiban man sa trabaho. Pero s'yempre, may araw na talagang ang daming gawain doon kaya kailangan namin umuwing late. Lagi naman ako hinahatid ni Morgan pag-alam niyang anong oras na at nag-aalala siyang baka mapahamak ako sa daan kahit na alam niya namang marunong ako sa self-defense. Hindi na ako sumuway at hinayaan na lang siya. 

"Kung invited ako, s'yempre oo." Sagot ko kay Liza. Alam ko naman kasing malabo ang pagkakaibigan naming lahat sa ngayon. Gustohin ko man na ayusin, mukhang mahihirapan ako. Selfish ba ako? Iyan ang tanong na laging nasa isipan ko nitong mga nakaraan. 

"Oo naman, gaga! Dala ko na nga, eh!" sabay abot sa akin ng envelope na ang laman ay invitation card. Nagulat naman ako nang inabot niya ito sa akin. "Hindi ka kasi pumasok kanina, bilat! Surprise sana sa iyo ni Belle 'yan kanina kaso wala ka naman!" 

Sa kanilang lahat, si Liza ang hindi matitiis na hindi ako puntahan sa bahay para kumustahin. Araw-araw nga raw pero dahil anong oras na ako umuuwi, hindi kami nagkikita. Kaya tuwing sabado ay naririto siya dahil naaabutan niya ako sa umaga. Ngayon naman ay hinintay niya talaga ako bahay para raw ibigay ang invitation card dahil siya na ang nagpresinta na ibigay ito sa sakin. 

Umalis na rin si Liza dahil may family dinner siya ngayon. Ang ginawa ko naman ay nag-review na para kahit papaano ay pumasa ako. Hindi ako matalino, iyon ang pinakadahilan kung bakit kailangan ko mag-review. Sinuwerte lang talaga ano noong nakaraang exam dahil medyo madali lang at talagang stock knowledge ko ang ginamit ko. Pero nag-review naman ako noon kahit papaano. 

Wala akong tulog nang pumasok ako kinabukasan. Exam na ngayon at balisa ako dahil siguro sa hirap ng mga ni-review ko kagabi. Hirap talaga pag bobo. 

Dahil sabay kami ni Kuya papasok, tawang-tawa siya ngayon sa itsura ko. Mukha raw akong mabuting mag-aaral na takot bumagsak. Palibhasa kasi, hindi magkasabay ang exam namin at tapos na sila. Nang makarating naman kami sa academy, mahahalata mo sa mga estudyante ang stress. 

"Arya! Nag-review ka?" salubong sa akin ni Liza pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa classroom. Napatingin naman sila agad sa akin dahil doon. 

"Oo, malamang!" sabi ko. 

"Ay, beh, halata naman sa mukha!" Sabat ni Lucas. Inirapan ko siya at umupo na sa pwesto ko. 

"Beh, 'wag mo akong itulad sa'yo na walang review!" bumelat pa ako sa kaniya pagkatapos no'n. Nagtawanan sila sa sagutan namin ni Lucas. Nakaka-miss pala itong ganito kaming lahat. 

"Hi, everyone! Nag-review kayo?" may biglang nagsalita sa harap namin. Si Sophia. Tumango naman sila, maliban kay Lucas. Hindi na kataka-taka iyon. "Ikaw talaga, Lucas, hindi ka pa rin nag-review? Puro kain ka kahapon sa bahay nila Enzo!" 

So, nag-group study pala sila. Ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa harapan at hindi na nakinig sa kanila. 

"Natanggap mo ba iyong invitation card, Arya?" Belle suddenly whispered to me. Nagulat pa ako at tinignan siya agad. 

"Oo, binigay ni Liza kahapon," 

"Bakit ba absent ka kahapon? I'm really scared kaya! Akala namin kung ano na nangyari sayo," kuwento niya pa. Natawa naman ako sa mukha niya. "Buti na lang at nakita namin si Kuya Elford at tinanong namin sa kaniya kung nasaan ka na. Sabi niya umalis ka raw at hindi ka makakapasok." Paliwanag niya. Kaya pala hindi na nila ako hinanap kahapon.

Verge of LifeTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang