CHAPTER 17

1.4K 20 2
                                    

Trigger warning: Abuse 

Life turns out to be the hardest way to fight. Even with how hard I tried, I kept on hurting. Not just me but the people around me. After trying again, I just kept on falling. Can I get up now? But how? It seems like my countdown just starts now.

"Pakawalan niyo 'ko! Parang awa niyo na!" I screamed at the top of my lungs. After I ran from them, these people kept on following me. They grabbed me and took me inside their van. My body's shaking, reminding me of the trauma that I threw away years ago. 

Before I could scream again, they shut my mouth and slapped me hard. "Tangina, ba't mo sinampal? Malilintikan tayo niyan!" awat ng isang lalaki sa nanampal sa akin. 

"Ayaw manahimik, eh! Akin na nga 'yang panyo at itatakip ko sa mata niyan!" may inabot naman sa kaniya ang kasama niya na panyo at inilapit sa akin. 

"Ayaw... Parang a-awa niyo na p-po, hindi na po ako m-mag-iingay 'wag niyo lang po ilalagay sa akin iyan," my voice's shaking. 

"Siguraduhin mo! Pag hindi mo tinupad, hindi lang sampal aabutin mo sa akin!" tumalikod na siya sa akin at sinabihan niya na ang driver na simulan na ang pagmamaneho. 

Walang pumapasok sa utak ko. Nakatulala lang ako habang nakatingin sa bintana. Ang malas-malas mo, Arya! Bakit ka ba nabuhay? Habang patagal nang patagal, parang pamilyar sa amin ang daan na tinatahak namin. No! No! Ayaw ko rito! Hindi na ako babalik sa lugar na 'to!

"Parang awa niyo na po! 'Wag niyo ako ibabalik kay Daddy! Ayaw! Ayaw ko! Please!" nagsisimula na akong magwala nang papalapit na kami sa gate ng bahay. Ang lugar na kinamumuhian ko. Ang bahay na pinaranas ang impyerno sa akin! 

When the van stopped, I frozen in my seat. Why? Nabuhay ako ng ilang taon na wala sila! Bakit kailangan kong bumalik dito?! Bigla akong hinawakan sa braso ko at hinila pababa ng sasakyan. Pumapalag pa ako ngunit mas hinigpitan nito ang pagkaka-hawak sa akin kaya hindi ako nakapalag. Malaking lalaki ito at ang lakas! Nag lakad na kami papuntang pintuan nang bahay. 

"Boss, narito na po ang anak niyo," tawag ng pansin ng may hawak sa akin kay Daddy. Nakuha naman kaagad nito ang atensyon at ibinaling sa amin. Mag-isa ito ngayon sa sala at tila'y hinihintay talaga ang pagbalik namin. 

"Welcome back, Arya! This house missed you so much! Come here," he said with authority. That made me shiver. Hindi ko sinunod agad ang utos niya kaya nilapitan niya ako kaagad at sinampal. Napa-upo naman ako sa sahig habang hawak ang pisngi. "Hanggang ngayon, suwail ka pa rin!"

"Bakit? B-bakit niyo pa ako kinuha? Masaya na kayo sa ibang bansa hindi ba?" buong loob kong tanong sa kaniya at tinignan pa siya sa mata. 

"Mas masaya ang kambal mo rito, Arya. Alam mong kung saan masaya ang kambal mo, 'yun ang pipiliin namin." Napa-ngiti naman ako ng mapait. 

Paano ako? Paano naman yung kasiyahan ko? Parang hindi naman ata patas iyon.

"Anyway, dahil naririto kami sa Pilipinas, dito ka titira." He said with a finality that made me shocked. 

"No! Hindi pwede!" Pagtutol ko. Hindi ako babalik sa impyernong ito!

"I don't need your opinion, Arya. Susundin mo ang gusto ko!" sigaw niya sa mukha ko. 

"And what's happening here?" napatingin naman kami sa pinagmulan ng boses. Nasa hagdanan ito at nakahawak sa railings. "Oh, you're already here, Arya. Welcome back! Don't you miss your Mommy?" 

"Mom, please... I don't want it here." Pagmamakaawa ko sa kaniya na ikinakunot ng noo niya. Naglakad na siya pababa at kasabay nito ang ingay ng sandals niya. 

Verge of LifeWhere stories live. Discover now