CHAPTER 10

1.4K 29 15
                                    


As I wanted to stop the clock and just be with them, I couldn't. Hoping that happiness will stay. Even just with them. 

"Good morning. You want some coffee?" he asked me and I nodded.

Nang maraking ako sa kusina ay naabutan ko siyang nagtitimpla ng kape. 7 am pa lang at kami pa lang ang gising. Si Liza at Belle ay mahimbing pa ang tulog kaya iniwan ko muna sa kwarto.

"Aga natin, ah?" tanong ko habang nagtitimpla siya ng kape ko. 

"Nahulog ako sa kama dahil nasipa ako ni Lucas," parang batang nagsusumbong sa akin. 

"Ano gusto mo gawin natin? Ihulog din natin?" suhestyon ko. 

May biglang dumaang ideya sa akin at napangiti ako ng nakaloloko kay Enzo at mukhang nakuha niya ang naiisip ko. 

Umakyat kaming dalawa papunta sa kwarto nila at dahan-dahan binuksan ang pinto. Sinilip muna namin ang loob dahil baka gising na sila. Thank goodness, mga tulog mantika pa sila. 

Tinignan ko ang pwesto nila at nagplano kung paano hulugin si Lucas. Isa lang ang kama at dahil malaki ito, magkakatabi sina Luke, Lucas, at Enzo sa isang kama. Si Lucas ang nasa gitna at nasa magkabilang gilid si Luke at Enzo. 

Si Enzo ay may hawak na camera dahil sabi ko sa kaniya na magandang pang blackmail 'to kay Lucas. Ako naman ay may dalang calamansi dahil balak kong ipiga 'to sa bibig niyang nakanganga. 

Nag simula akong mag lakad  palapit sa pwesto ni Lucas nang dahan-dahan. Hindi ako nahirapan ipiga ang calamansi kay Lucas dahil sobrang nakabuka ang bibig nito at nakatihaya pa kung matulog. 

Gumalaw-galaw pa ang bibig niya nang patakan ko ito ng calamasi. Si Enzo naman ay natatawa habang ni-re-record ang ginagawa ko. Ako naman ay pigil na pigil ang tawa dahil baka magising 'to, hindi ko pa naman nahuhulog. 

Nang tignan ko si Luke ay gising na pala ito ay takang nakatingin sa akin at kung anong ginagawa ko sa kambal niya. Nag-sign naman ako na quiet at baka magsalita.

Piniga ko na ang lahat ng laman ng calamansi at yung mukha niya sobrang asim na asim na. Hindi ko na napigilan at talagang tawang-tawa na ako ng walang tunog at si Luke at Enzo ay naglulupasay na katatawa. Buti at hindi nagising 'tong isa. 

Pinaalis ko si Luke sa pwesto niya at pinatayo dahil ako ang hihiga roon. Nang makahiga ako ay lumapit ako ng kaunti kay Lucas at sinipa ng pagkalakas-lakas. Nauntog pa sa bed-side table ang ulo niya kaya napadaing pa siya nang bumagsak. 

Dali-dali akong tumayo at tumakbo palabas kasabay sila Luke at Enzo na tawang-tawa habang tumatakbo. Nag-apir pa kaming tatlo habang tumatakbo. 

"Putangina! Ang asim! Ouch, ang sakit ng balakang ko!" narinig pa naming sigaw niya habang papalapit kami sa hagdanan. 

Nagpipigil kaming tatlo ngayon ng tawa sa hapag-kainan dahil sa nangyari kanina. Magkakatabi kami ngayon ni Enzo at Luke at ako ang nasa gitna nilang dalawa. Si Liza at Belle naman ay sa kabila. At dahil linggo ngayon ay narito si Tito at Tita. Ganoon na rin si Kuya.

Walang ideya si Lucas na kami 'yung gumawa no'n sa kaniya kaya sobrang kunot na kunot ang nuo niya habang may pula sa bandang kilay niya na mukhang tumama kanina sa bed-side table. 

"Lucas, hijo, bakit parang hindi ka mapakali sa upuan mo?" tanong sa kaniya ni Tita. 

"Ay, Tita, masakit po kasi balakang ko, nahulog po ako kanina sa kama." Parang batang nagsusumbong na may nanakit na kaniya. Kawawa naman. 

"A-ano ba k-kasing ginawa mo? Ma-malikot ka siguro matulog," saad ko habang pinipigilan ang tawa. Yung dalawa naman ay nakayuko na lang dahil natatawa na. 

Verge of LifeWhere stories live. Discover now