CHAPTER 7

1.3K 26 11
                                    


I noticed how happy I am these days. It scared me and kept on thinking, what would be the payment for my happiness?

Having thoughts of that makes me want to jail myself inside my room to balance the joy I felt.

I am currently inside my room, full of thoughts and overthinking what will happen in the next few days.

I got up and got out of our house. It's already 11 pm and it's so dark outside. But, of course, this is a village, so there's a street lamp everywhere.

Also, growing up in a tough way made me learn how to defend myself. I learned self-defense when I was a high school student. Hindi naman nagalit sina Tito at Tita, natuwa pa nga sila. They enrolled me where Kuya Elford also learned self-defense. Making sure they taught me well.

It's one of the reasons why they trusted me to go by myself. They knew that I could handle and defend myself.

"Oh, Ganda! Ngayon na lang ulit kita nakitang tumambay sa lugar na ito." Bati sa akin ni Tiyo Teddy, ang nagroronda gabi-gabi sa loob ng village.

"Hindi po kasi ako makatulog, Tiyo Teds! Patambay po muna ako rito, huh?" sabay upo ko sa swing.

Nandito ako ngayon sa playground ng village namin.

"Ikaw talagang bata ka, oo! Oh, siya, punta ka na lang sa guard house kung nagugutom ka. Nagluto ang Tiya Lorna mo ng pritong manok kaninang hapunan, paborito mo." Saad sa akin ni Tiyo Teddy.

Tumango naman ako sa kaniya at nagpaalam na siya.

Tiyo Teddy became one of my closest security guards. Nakilala ko siya noong una kong punta sa lugar na ito at naligaw pa ako. Buti na lang at nandiyan siya at tinulungan niya akong makabalik kila Tito.

Kasama niya ang asawa niya na si Tiya Lorna at ang bunso nilang anak na si Liam. Naging malapit ako sa pamilya nila at tinuring na rin nila akong parang tunay na anak. Sa kanila na ang guard house dahil sa serbisyo ni Tiyo Teddy sa village na ito. Matagal ng security guard si Tiyo Teddy sa lugar na ito at napakabait pa kaya tiwalang-tiwala ang mga tao rito sa kaniya kaya iniregalo na sa kaniya ang guard house.

After 20 minutes of staying on the playground, I walked to the guardhouse.

"'Nak! Mabuti at bumisita ka muli! Halika, tuloy ka at nagluto ako ng paborito mong fried chicken!" tuwang-tuwa niyang saad at kinuha pa ang kamay ko at iginiya patungong kusina.

"Hi, Ate Arya! Na-miss po kita!" salubong naman sa akin ni Liam na galing pa sa sofa at tumakbo patungo sa akin para yumakap.

"Na-miss ka rin ni Ate! Pero, anong oras na, hindi ka pa rin natutulog?" kunwaring sermon ko sa kaniya.

"Eh, bakit ikaw, Ate? Hindi ka pa rin natutulog?" balik sa akin ni Liam. Tila nag susungit pa.

Natawa naman kami sa sagot niya. Kahit kailan talaga itong batang ito, ang hilig sumagot!

"Huwag mong awayin ang Ate Arya mo, Liam! Matulog ka na rin dahil anong oras na, may pasok ka pa bukas!" daway sa kaniya ni Tiya Lorna. Hinatid niya naman si Liam sa kwarto at pinatulog na. "Nak, tara sa kusina at paghahandaan kita ng makakain." Anyaya sa akin ni Tiya Lorna na mabilis ko naman tinanguan.

Sumunod naman ako sa kusina. Inasikaso naman agad ako ni Tiya Lorna at inilapag ang kanin at pritong manok.

"Kain ka, 'nak." Turo niya pa sa pagkain. Kinuha ko naman agad ang pritong manok at kumain na. Tumalikod naman siya sa akin at may ginawa sa lababo. Maya-maya lang ay may inilapag siyang kape sa lamesa.

"Paborito mong kape ang puro, 'di ba?" at nginitian niya ako.

"Nag-abala pa po kayo, Tiya Lorns... Salamat! Kain din po kayo, ang sarap po nitong pritong manok." Alok ko sa kaniya.

Verge of LifeWhere stories live. Discover now