CHAPTER 16

1.3K 21 5
                                    

"Merry Christmas, everyone!" we greeted each other with a merry Christmas when it was midnight. We're here at the dining table with Tito Ethan, Tita Stella, Kuya Elford, and Morgan. 

Ang bilis ng araw at pasko na. Hindi nga ako makapaniwala at sa mga susunod na araw, bagong taon na. Buti at sarado ngayon ang tindahan ni Tay Lando dahil pasko. At dahil walang trabaho, pahinga ang nangyari sa buong dalawang araw. Bukas na ulit ang balik ko roon at hanggang 30 ito ng Disyembre. Si Morgan naman ay naririto ngayon kasama namin dahil wala raw siyang kasama ngayong pasko. Buong loob namang tinanggap nila Tito si Morgan at naging kumportable naman sila sa isa't-isa. 

Kahapon na naririto si Morgan sa bahay at tumutuloy sa guest room na katabi lang ng kwarto ko. Walang silbi ito dahil pumupunta lang si Morgan sa kwarto ko pag sapit ng alas-dose. Wala kaming ginawa kung hindi manood at madalas ay pulos kuwentuhan na. Hindi kami nauubusan ng sasabihin at inaabot pa kami ng umaga. Wala kaming ilangan ni Morgan dahil nga sa sanay na kami sa isa't-sa mula mga bata pa kami. Nang malaman nga nila Tito na kaibigan ko si Morgan mula bata pa kami, nawala ang kutob nila Tito na magkasintahan kami. 

Tawang-tawa kami ni Morgan na kaya raw pala parang ayaw sa kaniya nila Tito ay dahil ang akala nila ay ipakikilala ko itong nobyo. Mga nerbyoso. Hayaan nila, pag-jowa ko na si Enzo, ipakikilala ko agad sa kanila. Speaking of Enzo, ganoon pa rin ang ginagawa niya araw-araw. Hatid-sundo sa trabaho at halos ayaw na mawalay sa akin. Nitong wala na kaming pasok, akala ko'y titigil sa ginagawa pero mali ako. Road trip lang kami sa tuwing hinahatid niya ako pauwi sa amin. Nang malaman nga iyon ni Kuya ay palagi na kami nitong inaasar. May isang beses kasing naabutan niya kami kaya hindi na tumigil sa pang-aasar si gago. 

Naalala ko tuloy kung paano siya nagsabi na gusto niya akong ligawan. No'ng una, akala ko joke lang kaya tinawanan ko siya. Pero mali ako dahil sinabi niya sa akin na 'Arya, I'm serious. I'll court you.". But I joked and said 'Paano pag ayaw ko?' but then, he answered me with 'You have no choice, beh. Liligawan pa rin kita.' 

Hindi pa rin nila alam na nagtatrabaho na ako. Si Enzo pa lang. Masaya ako na hindi nakikialam si Enzo sa mga ginagawa ko. Hindi rin siya nagtatanong sa akin tungkol sa trabaho ko. Minsan nga ay tinanong ko siya kung bakit wala siyang sinasabi na kahit ano, ang sagot niya lang sa akin ay 'It's not my business, Arya-pangit. I know, you know what you're doing."

"Tanginang mukha 'yan, kilig na kilig amputa!" pinektusan pa ako ni Morgan. Nasa kwarto kami ngayon at galing siyang banyo dahil tumae. Naka-upo ako ngayon sa kama at naghahanap ng panonoorin sa netflix.

"Yuck! Kakatae mo pa lang tapos ihahawak mo sa akin?" reklamo ko sa kaniya. Inambahan niya naman ako at umilag na lang ako. "Pumili ka na nga lang ng panonoorin natin, wala akong maisip!" 

"Malamang, bilat, wala ka naman talagang isip!" tanginang 'to! Tumayo ako sa kama at sinakal siya. Iniwas niya ang leeg niya at inalis ang kamay ko rito at tumawa na. Humiga naman kami sa kama at naghanap na siya na magandang movie. Ang paghahanap ng movie ay nauwi sa kuwentuhan hanggang sa makatulog kami. 

Walang ginawa buong araw kung hindi kumain. Siyempre, dahil pasko ngayon, namasko kami ni Morgan kay Tito at Tita. Binigyan naman kami ng pera at bongga! 5k! Sa akin 'yun, habang 1k ang kay Morgan. Tuwang-tuwa kami ni Morgan dahil doon. Sakto, may lakad kaming magkakaibigan ngayong araw! Kasama na roon si Morgan dahil close na nila ito simula noong birthday ni Belle. 

"Good Morning, Tita Emma and Tito Seb!" pag-bati ko nang makarating sila rito sa bahay. Inimbitahan kasi namin sila para may kasama sila ngayong pasko. Sinabi ko kasi kina Tito na imbitahin sila total ay silang dalawa lang ngayon sa napakalaki nilang bahay dahil umuwi ang mga kasambahay nila sa sari-sarili nilang pamilya para makasama nila ang kanilang pamilya sa araw ng pasko. 

Verge of LifeKde žijí příběhy. Začni objevovat