CHAPTER 18

1.5K 22 5
                                    


"Why are you always late, Arya? Lumalandi ka ba at inaabot ka nang hating-gabi?" iritadong tanong ni Mommy sa akin habang kumakain ng breakfast. 

"I'm working," I simply explained. Hindi na pinansin ang sinabi niyang naglalandi ako. Lagi namang ganoon ang tingin niya sa akin.

"Nakukulangan ka ba sa binibigay ng pamilyang iyon at kailangan mo pang magtrabaho?" tanong sa akin ni Daddy. Umiling lang ako at nagpatuloy na sa pagkain. "Aba, dapat lang. Wala kang utang na loob kung gano'n. Ilang taon ka rin nilang palamunin!" 

Another day, another hell. Ganito lagi ang nangyayari sa umaga. Ilang araw na rin ang lumipas at naririto pa rin ako bahay nila. Hindi pa ako pumapasok sa academy hanggang ngayon. Ayaw ko. Hindi ko kayang makita sila sa ngayon. Para kong pinahihirapan ang sarili ko para roon. Ang nakapagtataka ay hindi ako galit sa kanila. Masakit, oo, pero walang galit. Marahil ay naiintindihan ko ang nararamdaman nila. Kung ginawa nila sa akin ang ginawa ko ay baka gantihan ko rin sila. 

Trabaho lang ang ginawa ko nitong mga nakaraan. Hindi pa alam ni Morgan ang nangyari nang gabi iyon. Wala rin akong balak ipaalam. Alam ko rin na nagtataka na si Morgan sa hindi pagsundo ni Enzo tuwing gabi. Hindi na lang siya nagtanong at hinayaan na lang ako. 

"Umuwi ka nang maaga mamaya, birthday ng kambal mo." Paalala sa akin ni Mommy. 

Birthday ko rin naman, ah?  Hindi na lang ako nagsalita at tumango na lang. Hindi ko namalayan na birthday ko na pala ngayon. Umalis na rin ako pagkatapos kong kumain at dumiretsong trabaho. Hinahatid-sundo ako ng sasakyan namin na utos ni Daddy. Para akong nakakulong kahit na nasa labas ako.

Dahil weekdays, maraming customer at puro ito estudyante. Pagsapit ng hapon ay kaunti kahit papaano ang mga kumakain. Nang may biglang dumating na grupo sa loob ng karinderya at umupo sa isang table. Linapitan ko ito para hingiin ang order.

"Good afternoon, may I take your order?" tanong ko habang nakatingin sa papel.

"A-arya?" gulat na tanong noong isang kasama nila. Napalingon naman ako dahil kilala nila ako. Nang pagtingin ko ay sila Belle pala ito. Kumpleto sila ngayon sa isang table. Ang nagsalita ay si Liza.

"Yes, I am Arya. May I take your order, please?" I said with a small smile. I don't want my personal life involved in my work.

They were hesitating to tell their order, but in the end, they did. I repeated their order and when they nodded, I told them to wait for about 15 minutes and immediately turn my back.

Nang maibigay ko kay Tay Lando ang listahan ng order nila, pumunta agad akong kusina dahil nahihirapan akong huminga.

"Oh, anong nangyayari sa'yo, bilat? Ayos ka lang ba?" mabilis naman akong nilapitan ni Morgan at binigyan pa ng tubig. Sa itsura niya ngayon, mukhang kararating niya lang galing university.

"Oo, sige na magbihis ka na." Pagpapaalis ko sa kaniya sa harapan ko.

"Nakita ko sila riyan, huh? Kakain?" sina Enzo ang tinutukoy niya kahit hindi niya sabihin at tumango na lang ako bilang sagot. "Ako na ang bahala mag-serve ng order nila. Diyan ka lang," pumunta muna siyang second floor para magbihis saglit. Tulad ng sinabi niya, siya na ang katuwang ngayon ni Tay Lando sa pagse-serve at ako naman ay naghuhugas ng mga hugasin.

Sinilip ko pa sila nang makita kong sine-serve ni Morgan ang order nila. Nakita ko pa ang gulat sa mga mukha nila nang makita si Morgan. Walang kangiti-ngiti si Morgan ngayon at parang seryoso sa buhay. Dahil malapit lang ang inuupuan nila sa may kusina, naririnig ko ang usapan nila.

"Dito ka rin nagtatrabaho, Morgan?!" gulat na tanong ni Liza. Tumango lang si Morgan sa kanila. "What a small world! Kumusta ka na? Ngayon ka na lang ulit namin nakita!"

Verge of LifeWhere stories live. Discover now