VOLUME 2: { 38 - Last Chance(s) }

1.5K 34 5
                                    

TWT's NOTE: Two chaps na lang. Err!! I'm rushing the updates 'coz this is actually long overdue :) Para maka-move on na tayo sa MSB3 at saka sa Allies and Axis yey! :D

x - - - - - - - - - - x


My Super Boyfriend 2: Keeping Up With You

Volume 2

written by toneewritestragedies

x - - - - - - - - - - x

Third Person //

"Daddy, I'm so happy  today seeing our daughter getting her College Diploma!" maluha-luhang sabi ni Mrs de Guzman.

Inakbayan siya ng kanyang asawa at hinawakan ang kanyang kamay. "Yes, Mommy. I could give her a round trip all over the world because of this! I am never been prouder for Kayleigh."

Si Kieran naman ay busyng busy sa pagkukuha ng retrato sa kanyang kapatid habang umaakyat sa stage gamit ang kanyang DSLR. "Yeah. And I'm going to buy her all of her favorite PC games and soundtracks."

Nang nasa stage na si Kayleigh, matapos mag-bow sa mga University Officials ay iwinagayway ang kanyang diploma para ipakita sa kanyang mga parents na nakatinging tumango sa kanya.

Matapos ang bigayan ng Diploma ng mga estudyante, sumunod naman ang mga nakakuha ng Latin Honors from Cum Laudes and Summa Cum Laude. Unfortunately, walang Magna Cum Laude ang kanilang batch dahil walang naka-abot sa grade nito. Masigabong palakpakan naman ang pumailanlang sa buong Asters Auditorium nang ibigay ang Diploma at Gold Medallion kay Mikko bilang Summa Cum Laude ng kanilang batch. Matapos nito ay pumunta na siya sa rostrum para sa kanyang Address.

Nang humina ang palakpakan ay nagsimula na siyang magsalita. "To all of the distinguished guests, Board of Regents, faculty and staff, to the parents and guardians, to my fellow graduates: a pleasant morning to all of you. This graduation marks the end of our life as students but our learning never ends."

Lahat ay nakikinig kay Mikko sa kanyang Address. He's a good speaker anyway and his British accent make him more hot, appealing to all the audience. Hindi maiwasan ni Kayleigh na kuhanan ng picture at video mula sa kanyang cellphone. Pinipigilan niya ang sarili niyang 'wag maiyak. Proud na proud siya para kay Mikko, well it's really expected that he will be on top of their batch because of his scholastic abilities. But at the same time, her heart's bleeding because this will be the last time that she and Mikko will see each other.

They just called it quits the last time they had a dinner date.

Kayleigh still remembers it down to the little details on how they ended breaking up with each other eventhough it's very hard for the both of them.

Flashback <<

Nagmadaling pumasok sa restaurant si Kayleigh nang makita si Mikko na nakaupo na sa kanilang pwesto sa isang table for two. She called up two days ago for a reservation to this Italian Restaurant near her city.

Hapong-hapo siyang naglakad ng mabilis papunta rito, tumayo naman si Mikko para salubungin siya at binigyan ng magaan na halik sa kanyang mga labi.

"Hi." bati niya rito. "Sorry ha, napag-antay kita."

Inayos ni Mikko ang kanyang upuan para makupo siya. Ngumiti itong umiling. "Don't need to worry, pasensya na din kung hindi kita nasundo sa inyo. Wala pa kasi akong tulog e."

Hinaplos ni Kayleigh ang kanyang psingit at ngitian ito. "Okay lang. Huwag mo namang pabayaan ang sarili mo. Gusto mo bang ma-ospital din gaya ni Lind ha?"

My Super Boyfriend 2 -- Keeping Up with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon