VOLUME 2: { 29 - Treasure }

1.3K 37 15
                                    

TWT's NOTE: Thanks y'all for the reads! ^_^ Anyone wants a dedic? PM me away or you can drop by on my Message Board. ILY <3

x - - - - - - - - - - x

My Super Boyfriend 2: Keeping Up With You

Volume 2

written by toneewritestragedies

x - - - - - - - - - - x

Kayleigh //

Nagsimula ang Dance Night sa program, may mga speakers na nagsalita tungkol sa career counseling pagka-graduate namin. Mayroon ding mga nag-perform mula sa Conservatory of Music at mga nag-interpretative dance galing sa School of Performing Arts. Actually kumpletos rekados ang program. Masaya siya kung titignan pero hindi ako nag-enjoy. If you know what I mean. 

Karamihan din sa mga estudyante ay nagtataka kung bakit hindi ako ang date ni Mikko at ganoon din siya para sa akin pero I just chose to stay quiet 'coz I don't want things to be more complicated.

Kapag nagkakatamaan kami ng tingin ni Mikko, nginitian niya ako, ganoon rin ako sa kanya pero 'yung mga mata naman namin ay malungkot. Of course I understand where he's coming from. Wala naman siguro akong magagawa doon. Wala naman siguro akong magagawa doon kung 'yung mommy na ni Lind 'yung nanghingi ng pabor sa kanya.

"Guys, rest room lang ako." paalam ko sa friends ko dahil medyo naiihi na rin ako. Tumango lang sila tapos pumunta na ako sa rest room mag-isa.

Pagkatapos kong mag-weewee nag-ayos muna ako sa harap ng salamin. I took a deep breath and I talked to myself on my mind.

"Tama nga sila, Kayle. Ang ganda mo nga ngayon but you haven't got any date. Oh yeah, may date ka--kaso nasa iba."

Tsk, nagda-drama na naman ako! Baka 'pag maiyak ako e mahulas ang make-up ko which I don't want that to happen!

Paglabas ko ng rest room, nakasalubong ko si Lind na papasok naman. I smiled at her, ganoon din siya pero may something sa ngiti niya na parang... parang ngiting tagumpay! Ganoon! Duh, I hate this.

Sorry for being a bitch here, Lind. But yeah, you got my boyfriend as your date this time but he will never be yours.

"You look so pretty." puri niya sa akin.

"Thanks, ikaw din." sabi ko naman sa kanya. Of course, mabait pa rin naman ako kahit papaano. Walang halong ka-plastikan, maganda naman si Lindsay. Did I just say 'naman'?

"Yeah, you are. Kaso ayun nga lang wala kang date e." nawala ang ngiti ko sa sinabi niya. Hell, nananadya ba siya? Pati 'yung ngiti niya pang-asar! Nakaka-bwisit.

"That's fine. I feel cool with this anyway." tapos nilagpasan ko na siya.

Habang naglalakad ako paparating sa table namin, kino -compose ko lang 'yung sarili ko para hindi ako lalong ma-istress. Alam niyo 'yung pakiramdam na naba-bad trip ka sa isang tao hindi dahil bad trip din siya sa'yo pero pinapakita niya 'yung kademonyohan niya habang 'yung itsura ng mukha niya akala mo anghel! Nakakairita talaga!

Umupo akong naka-busangot ang mukha, well I can't help it. Apologies. Napansin naman ako ni Braces, samantalang sina Aly at Callix naman ay nagsasayaw na sa dance floor.

"Hey, friend. What happened?"

"I just saw Lind. Nakakairita siya."

"Nagpaka-anghel na naman ba ang demonyita?" tanong niya sa akin. Tapos tinignan ko siya weirdly. How did she knew about Lindsay's alter-ego?

My Super Boyfriend 2 -- Keeping Up with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon