{ FIVE.2 }

3.1K 84 7
                                    

A/N: Salamat sa mga matyagang nagbabasa. Paunti ng paunti readers ko pero ayos lang. 

EXTERNAL LINK ON THE SIDE FOR THE RAFFLE! EVERYONE IS ENTITLED TO JOIN! WEE!

***

{ Five.2 }

Kayleigh.

Ay grabe talaga. Nakakaloka ang tagpong ituuuu! Imagine, nandito din sina Mikko at Scarlett! Sa lahat ba naman ng pwedeng nilang kainan, dito pa? Pang-asar.

Tinignan ko si Akachan kung ano man yung magiging reaction niya pero naka-lock yung tingin niya kay Scarlett at lalong hindi ko ma-recognise kung ano yung nasa loob niya eh. He's so hard to read!

"That's cool to see you guys here. Lalo ka na Akachan. Kamusta?" said the ever Mr. Nice Guy Mikko Shadows. Nakipag-bro fist pa siya kay Akachan. Mukhang totoo nga ang sinabo ng talipandas na lalaking iyon na magkakilala sila. Hmm, paano naman kaya?

Kaasar e. Long time ko nang crush si Mikko pero malaman laman ko lang na matagal na rin pala silang magkakilala ni Akachan and to think na nakatira siya sa amin sa loob ng tatlong taon? Eh di sana pala nakipag-feeling close na ako sa kanya! Hmf.

"Ayos lang. 'Musta?" tanong niya pero parang pasuplado ang dating. Hmf, di naman ka-gwapuhan. Asar.

"I'm fine." sabay akbay ni Mikko kay Scarlett. Arrgh! I hate it! Kainis, naiinggit ako. Nakita ko naman sa sulok ng mata ko na medyo kumunot ang noo ni Akachan sa ginawa ni Mikko.

Napansin ko naman si Scarlett na tahimik lang at halatang uneasy. Well, kaharap kasi niya yung ex niya which I think is awkward.

"Nakakahiya namang makisali sa inyo since may sarili kayong date. Dito na lang kami sa kabilang side ni Mikko." sabi ni Scar, medyo uneasy siya habang sinasabi iyon. In fact, nakatitig si Akachan sa kanya! Arrgh! How's our plan kung halatang halata ang HD niya dito?!

"S-sure." pilit na lang akong ngumiti. Shet lang, pwede bang matapos na ang araw na 'to? Naloloko na kasi ako!

Nilagpasan na nila kami ni Akachan para pumunta sa may dulong table pero biglang tumigil sa tapat ko si Mikko at bumulong ng bahagya sa tenga ko. "See you in a bit."

It was on a husky way!

Oh my gee! Kinilabutan talaga ako promise! Sure bang para sa akin yun? I-I mean... arrgh! Pero bago ako makapag-react nakalagpas na siya sa akin at naglakad papunta kay Scarlett.

Gosh, anong ibig sabihin niyon?

Dahan-dahan akong umupo sa tapat ni Akachan na di ko na-realize na nakaupo na pala siya. Di ko naman maialis ang tingin ko kina Mikko at Scarlett na sweet na sweet sa isa't isa.

My Super Boyfriend 2 -- Keeping Up with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon