{ TEN }

2.7K 74 24
                                    

TWT's Note: Maypa-game po ulit meh dearies, isang dedic at little itsy bitsy treat ang prize! HAHA. Nasa baba ang mechanics at mismong gagawin. Sana lahat ng magbabasa at magvo-vote ay magparticipate, para lahat tayo happy! ILY!

***

My Super Boyfriend 2: Keeping Up With You

written by toneewritestragedies

{ Ten } // It’s Confirmed.

Kayleigh.

Halos ilang araw akong hindi nakatulog dahil sa huli naming pagkikita ni Mikko Shadows. Sobrang kinakabahan talaga ako sa mga sinabi niya sa akin last time. Akala ko kasi nung una, ikakatuwa ko ‘tong pag pansin niya sa akin noong mga panahong gustong-gusto ko siya. Sabi nga nila, ‘be careful what you wish for ‘coz you just might get it’. At eto na nga! Nakakaloka talaga.

Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan niya sa akin. Okay, hindi ako masyadong maganda tulad ng mga nakaka-date niya o mga nagiging girlfriend niya, hindi naman ako sikat sa Asters tulad ng iba at mas lalong hindi ako matalino! Eh di’ba nga study partner ko siya? Paanong magugustuhan niya ako?

“I really like you as much as you don’t really like me.” Yan! With his sexy british accent! Masokista ba siya? Ang daming nagkakandarapa sa kanya, pati si Scarlett, pero ako pa ang napag-trip-an niya. Sino ba naman ako kung ikukumpara sa kanya hindi ba?

Kung pwede lang sana na mag-back out sa Study Program e ginawa ko na makaiwas lang kay Mikko. Pero ako naman ‘tong lagot sa parents ko at kutos ang abot ko kay Kuya Kieran. Tekla, wag na lang ‘no! Magtitiis na lang ako. Huhu. Kaya mo ‘yan, Kayle! Apat na buwan na lang, jusko day!

Normal day, normal life. School-bahay lang ang peg ko. Walang katapusan. ‘Yung mga kaibigan ko naman e lagi akong inaayang lumabas o gumimik pero ako lang ‘yung humihindi kasi nakakatmad, marami rin kasi akong ginagawa. Apart pa kasi sa regular classes na may mga gawain, meron din akong mga tinatapos na requirements sa Study Program ko. O ‘di ba? Jampacked. Paano pa ‘to kakayanin ng maliit kong utak?! Ugh!

Nasa library ako ngayon at pinag-aaralan (oh diba, I told you, aral-aralan ang peg ko) ‘yung susunod na lesson sa klase namin ni Mikko Shadows. Haay, tatapatin ko na kayo, pilit kong pinag-aaralan at iniintindi ‘tong mga nakasulat at formula pero tangina! Ang hirap talaga! Pag ginagawa ko ‘yung examples ang hirap talaga! Bakit ba kasi hindi ako pinagpala sa Math?

“May klase ka?”

Pag-angat ko ng ulo ko, si Akachan ‘yung nakatayo sa tapat ng table. Para maalala niyo lang, exchange student po siya dito sa Asters para pangatawanan daw ‘yung relasyon naming dalawa. Duh. Daming alam! Pero sa totoo lang naman ay para naman kay Scarlett kaya siya nandito. Shit lang, ba’t parang may kurot sa puso ko nung sinabi ko ‘yun. Ayoko na ngang i-entertain ‘yang mga ganyang klaseng pakiramdam! Patola naman kasi ako masyado e!

“Tapos na.” Matipid kong sagot sa kanya. In fairness, ang sakit ng leeg ko sa pagtingala sa kanya. Ang tagkad kasi nitong taong ‘to.

“Hindi ‘yun. Kay Shadows.” Anong meron dito? Ang seryoso yata.

My Super Boyfriend 2 -- Keeping Up with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon