{ NINE }

3K 74 8
                                    

A/N: I love you all to bits dearies! Sorry sa late updates! Tatry ko mag update as soon as I can, kung kaya ng every week why not. Busy lang sa work! Salamat sa lahat ng nagbabasa! Hope you'll like the update.

---

My Super Boyfriend 2: Keeping Up With You

Written by toneewritestragedies

{ 9 } // A Day to Remember?

---

Sabado na bukas. Hindi ko alam kung pupunta ako sa Hertford. Ito na ‘yun e. Magiging masaya na dapat ako di’ba? Napansin na akong (almost) long-time crush ko. Inaya niya akong lumabas (almost rin) pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Weird, hindi ko rin masabi kung anong mararamdaman ko.

Nakikinig lang ako sa OST ng paborito kong mga computer games habang nakahiga ako sa kama ko at nakatingala sa kisame. Naloloka na talaga ako! Parang gusto ko na ayaw kong pumunta.

Oh-kay, sorry kung para akong tanga ha. Pero kung kayo kaya ang nasa sitwasyon ko? Ang hirap! Inaatake na naman ako ng kaartehan ko eh.

Bumangon muna ako sa kama tapos lumabas sa terrace ng kwarto ko. Halos mag-10 na rin pala ng gabi. Isinandal ko ‘yung dalawang siko ko sa bar ng terrace. My God, bakit ba ‘to nangyayari sa akin?

“Emo mo ‘yata.”

“Ay kalabaw~!”

Out of the blue e biglang may nagsalita sa bandang gilid ng terrace. Shemay! Halos maimura ko na lahat ng murang alam ko sa sobrang gulat!

Umirap ako sabay cross arms. “Emo ka dyan. Bakit gising ka pa? Wag mong sabihing tatalon ka rito at hahalikan mo na naman ako? Nandyan ka na sa terrace mo ha!”

Natawa siya ng pagak. “Wow, ang feeling mo naman. Bakit? Nagustuhan mo ba ‘yung kiss ko? Alam mo namang that was for a show.”

“Manahimik ka nga. Nagustuhan ka dyan! Nakakahiya kaya!”

“Sus, kunwari ka pa. Halata naman sa’yo. Namumula ka oh.”

Bigla tuloy akong napahawak sa dalawang pisngi ko. Arrgh, useless. Hindi ko naman mararamdamang namumula ang mukha ko kung hinawakan ko lang. Tanga ka talaga Kayleigh!

Umiling ako sabay irap sa kanya. Bigla kong naisip ‘yung papel na ibinigay ni Mikko noong isang araw sa akin. Siguro naman kailangan niya ‘to malaman ano. “Hoy, si Mikko pinapapunta ako sa Hertford Tower bukas ng 6pm—”

“Good! Pumunta ka, date na ‘yan. Sabi ko sa’yo e. Tagumpay ang project natin.” Tapos kinindatan niya ako.

My Super Boyfriend 2 -- Keeping Up with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon