VOLUME 2: { 25 - Third Wheel }

1.6K 50 9
                                    

TWT's NOTE: Fill chapter below hihi :3 masabaw ang update at BITIN. Pagbigyan na, babawi na lang ako sa next chappie! Haha, nga pala picture po ni Lindsay sa side -->

-----

MY SUPER BOYFRIEND 2: KEEPING UP WITH YOU

Volume 2 written by toneewritestragedies

{ 25 } Third Wheel

-----


Mikko//

"Bwisit naman Kayleigh oh! 'Di ba sabi ko doon ka na sa LeGrand tumira? Nung one week ko pa binigay 'yun sa'yo ha." Uminit 'yung ulo ko nang malaman kong hindi siya umuuwi doon galing sa OJT. Ayoko siyang mahirapan sa byahe at pagko-commute kaya ko siya binigyan ng condo tapos hindi naman niya titirahan. Nakakainis. 

"Eh sa ayoko nga Mikko. Ano bang magagawa mo? Hindi ko tatanggapin 'yun." Sagot niya naman sa akin. Napakamot na lang ako sa ulo ko sa sobrang yamot. Naglalakad kami papunta sa library. Sasamahan ko siyang magresearch para sa thesis nila. Actually nagpumilit lang akong sumama. 

Binilisan niya ang paglalakad. "Mikko naman, hindi ko matatanggap ang ganoon kamahal na condo unit! House and Lot na ang value nun ano. At saka kaya ko pa naman ang byahe. 'Wag mo ako intindihin."

"Anong 'wag intindihin? You're my girlfriend so I want everything what's best for you!" damn, I am frustrated as hell!

"Tigilan mo nga ako sa paglalaro mo. Girlfriend ka dyan, umayos ka nga." Inirapan niya ako. Pumirma na kami sa logbook ng library at pumasok na kami. 

"Maayos naman ako ha. 'Di ba nga tayo na?" I confirmed. Of course, do I need to court? It's a fucking waste of time. 

"Tss." 'Yun lang ang sinagot niya sa akin. Pumunta na siya sa bookshelves para maghanap ng reference books at syempre sumunod naman ako. 

"Can I take that 'tss' a yes?" Asar ko sa kanya. She stuck out her tongue and laughed mockingly. 

"Whatever." She rolled her eyes but yea she's cute!

Paikot ikot lang kami sa mga shelves habang nakasunod lang ako sa kanya. Para lang siyang nagwi-window shopping, wala pang makuhang libro. 

"Hey." Tawag ko sa kanya pero hindi siya lumilingon. 

"Bae?" I called her my endearment but still she's busy browsing some books but she aint get it to be used. 

"Kayleigh." This time I am more serious. I stopped at walking. She too stopped and looked back at me, shocked with what she's seeing now. 

*****


Kayleigh//


"Kayleigh." Nanlamig ako nang tawagin ni Mikko 'yung pangalan ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Ang baritone ng boses niya na parang nananakot. Sa inis ko rin, nilingon ko siya. 

OMFG. 

Napatingin ako sa kamay ko. Wala akong hawak ni isang libro pero si Mikko, pakshet may limang libro tungkol sa interior designing at isang thesis siyang hawak! Ganito na ba ako kabobo o kabulag na di makita ang mga 'yan? Nakakahiyaaaaaa!

"A-ano 'yan?" Kunyari wala akong alam para hindi ako mapahiya pero talagang nakakahiya na!

"Reference books. Sauli ka ng sauli? Wala ka pang nakikita ni isa. I think this might help." Tumalikod siya sa akin at naghanap ng table na pupwestuhan namin. Doon siya umupo sa pang dalawahan. Umupo na rin ako. 

My Super Boyfriend 2 -- Keeping Up with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon