{ TWENTY }

2.3K 52 15
                                    

TWT's NOTE: Now's the moment for the end of the first volume! Salamat sa lahat ng sumubaybay, nagbasa, nagvote at nagcomment! Virtual hugs for everyone. I love y'all! I won't take this note long so the hype for reading won't spill. So here it is! ENJOY!~ ♥♥♥ BTW, dedicated kay Abciddy because nainlove ako ng wagas sa BruNgas couple. You can read her Project Trilogy. Ang ganda! Suuuper! I'm a fan :))

*****

MY SUPER BOYFRIEND 2: KEEPING UP WITH YOU

written by toneewritestragedies

{ TWENTY } Ground Zero

***

Kayleigh


Nang makabalik ulit ako sa Hall, inaya ko nang umuwi si Kuya dahil sabi ko at sumama ang pakiramdam ko. Mabuti naman at pumayag siyang umalis na kami kahit hindi pa tapos ang Ball. Ganoon din si Kevin, hindi na rin niya tinapos yung program dahil nag-alala na din siya sa akin to think na ako 'yung date niya rito at ayaw niyang magpaiwan. 


Sa buong duration ng byahe namin pag-uwi, tahimik lang ako at pumipikit lang. Pinipigil ko rin ang sarili kong huwag umiyak dahil hindi ito ang tamang oras at pagkakataon. Si Kevin ang katabi ko ngayon habang si Kuya Kieran naman ang nagda-drive ng kotse. Good thing about kay Kevin, maalaga siya. He's asking me if how am I feeling right now or do I need anything et cetera. Salamat at nandito siya. 


In-off ko na rin ang cellphone ko dahil alam kong tatawag siya o magme-measage sa akin. I'm now living up to what I said to him earlier, ayoko nang magkaroon ng kahit anong ugnayan sa kanya. 


Hanggang ngayon kasi hindi pa rin ako makapaniwala na niloko ako, sinamantala ang feelings ko, ang pagsinungalingan. Ewan ko ba. Alam ko naman sa sarili kong hindi ako ganoong kasamang tao pero bakit kailangan akong masaktan ng ganito? I was broken twice in a row already. 


Medyo nag-alala naman sa akin ang parents ko dahil umuwi ako nang masama ang pakiramdam. Uminom na ako ng gamot at nagpahinga sa kwarto. 



"Okay ka lang?" Naalala kong tanong sa akin ni Kevin bago ako pumasok sa kwarto ko. 

Ngintian ko siya ng matipid saka ako yumuko. Hindi ako pwedeng umiyak. Gosh! "O-oo naman. Kelangan ko lang ipahinga 'to." Sorry, magsisinungaling ako this time. 

"Sigurado ka? It seems not."

"Next time na lang kita kukwentuhan. I'll just text you kung may mangyari man. Salamat sa concern, Kevin."

"My pleasure. You take care."

"I will." Sabi ko bago ako tuluyang pumasok. 



Sa tingin ko, hindi para sa akin ang pag-ibig sa ngayon. Bata pa naman ako, marami pa akong dapat unahin kesa sa pag-ibig na 'yan. Tama naman 'di ba? Saka na ang landi. May thesis pa ako at OJT so good luck na lang talaga kung may mai-love life pa ako!


Pagpasok ko sa kwarto ko, doon na ako simulang umiyak. Sobrang sakit, akala ko kasi talaga iba si Mikko sa mga lalakeng manloloko, pero isa din siya pala. Shit, he dont how much pain he caused to me. Ano ako? Just a flavor of the moment? Pinaglalaruan lang ako? How can he do that? I swear, ayoko nang makita pa siya at magkaroon ng kahit ano pang ugnayan sa kanya. Hindi pa nga ako tuluyang nahuhulog sa kanya pero ito na agad ang ginawa niya sa akin. I could not fathom how many times he did that to women before. Naiiyak ako hindi lang dahil sa sakit, kundi rin sa galit at inis. Oo, inaamin kong nagseselos ako pero shet lang! Sino ba namang babaeng matutuwa na 'yung manliligaw niya e nakikipaglampungan sa ex nito? Fcuk! It's really ridiculous!


I just realised that I managed to fall asleep while I'm crying. Damn these tears for that damn guy. 


*****

My Super Boyfriend 2 -- Keeping Up with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon