{ PROLOGUE }

7K 154 12
                                    

A/N: The first part was only a teaser. This is the prologue. Hope you guys support this as much as you supported Sashimi. Thanks. Merry Christmas! xx

I'm officially starting My Super Boyfriend 2.

---

Bwisit. Ganito na ba ako kabobo? Eh sorry naman, computer games at PSP lang naman ang alam kong subject at yun lang ang pinapasa ko, wala nang iba.

Pero yung bibigyan nila ako ng study partner ng isang buong semester to think na Fourth Year College na ako?! IMPOSIBLE! Nakakahiya sa mga ka-pustahan ko sa DOTA.

Tapos yung partner ko pa ay yung tinaguriang Gifted Child na si Mikko Shadows? Tengeneleng. Parang pinamukha nila sa akin na isa akong Special Child, eh ubod ng talino yun eh! Gwapo pa. Ayun, palikero nga lang.

Kaso nagulat ako one time, sinabi niya sa aking crush niya daw ako. Tinanong ko siya kung bakit. Ang sabi ba naman niya sa akin, "Wala lang, first time lang ako nakakita ng babaeng 'di tinatablan sa akin pag nakikita ako."

Hay nako, Mikko Shadows. Kung alam mo lang. Kung alam mo lang talaga.

Classmates pa lang tayo sa Kindergarten, crush na kita. Di mo lang alam at lalong di mo lang halata. 

Ano ba? Papasa ba ako o babagsak... sa puso mo?

PS. Pwede bang tumagal ng isa pang taon ang isang sem? I'll beg for a grade of 5.0 for my profs just to be his study partner again! Nuts.

PSS. Kung maka-English ako, kala niyo ang talino ko eh no?

My Super Boyfriend 2 -- Keeping Up with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon