{ THREE }

4.2K 93 9
                                    

A/N: Okay, wala masyadong sumali sa game. HUHU. Lols. Wag ko na kaya to ituloy? Haha. Charot! dedicated to this girl with the cutest comment! HAHA. Kaway kaway sa Team Mikay! (Mikko+Kayleigh) I'll gonna PM you for your surprise treat!

***

Kayleigh.

After nung scene sa balcony nung nakaraang gabi, balik na naman kami sa normal na pamumuhay ni Akachan. Yung deadmahan at saka kaunting sungitan. Di ko nga alam kung nanaginip lang ako nun e. Kasi paano ba naman after nung scene na yun, parang wala lang nangyari. Di na niya ako ulit pinapansin pa. Iniisip ko tuloy kung pinagtitripan niya ako nun o sadyang 'high' siya ng mga panahong yun. Bwisit. Ayoko na ngang isipin pa yung tagpong yun. Iniisip ko tuloy kung nanananching lang sya sa akin. Kasi pag napatunayan ko yun, sasapakin ko talaga mukha niya! Arrgh.

As usual, same day sa school. Another classes at another lesson na naman with my crushy! Siyempre ang dami na namang naiinggit sa akin dahil sa gifted child kong SP! Bwahahaha!

Nung nasa canteen na kaming magbabarkada para kumain, nakita namin si Mikko kasama nung mga barkada niyang pogi pero syempre mas pogi pa rin naman siya sa kanilang lahat 'no! Pero parang may iba?

"Oh em, what does it mean?" pa-oa na sabi ni Braces. Alam kong ang tinutukoy niya ay yung bagong salta sa grupo nina Mikko.

"It means that they have a new girl in the group." tama nga ang sinabi ni Aly. May 'new girl' nga sa groupee nina Mikko and it's none other than our Student Council President, Scarlett Zalderriaga na part-time VS Angel din (Victoria's Secret). Kung gaano man siya kaganda at ka-sexy, kayo na ang mag-isip.

"Tsktsk. Palagay ko nasa dating stage sila ngayon ni Shadows." nagtinginan naman kami nina Aly at Braces kay Callix. Wow ha, mas may alam na chismis pa sa amin itong lalakeng to!

"How did you know, babe? Ikaw na updated sa latest gossips dito sa Asters!" sabay kiss naman ni Aly sa lips ng boyfriend niya, well masanay na kayo sa PDA ng mga yan, sa amin deadma na lang kami ni Braces haha.

"Wala naman, narinig ko lang sa mga nagchi-chismisang mga lalake sa cr nung umihi ako. Inggit daw sila kay Shadows kasi nakabingwit ng VS Angel. Ang hot kasi nun ni Scarlett e--aray naman!!!" natawa kami dahil sinabunutan ng bongga ni Aly si Callix haha yan kasi e, harap-harapang nagpapantasya!

"Hot ka dyan! I hate you Callix!" nag-cross arms si Aly sabay pout ng lips. Nako, good luck na lang kay Callix dahil pag nagtampo itong si Aly, super pakipot! HAHA.

"Sorry na babe." paglalambing ni Callix pero deadma to death lang si Aly. Nagtawanan na lang kami ni Braces dahil sa dalawang to. Kanina ang PDA e, tapos biglang away haha. Ewan ko ba!

Pero di ko talaga maiwasang hindi tumingin ng pasimple sa grupo nina Mikko, magkatabi sila ni Scarlett at sweet na sweet sila sa isa't isa. Iniisip ko tuloy kung katulad din siya ng mga babae ni Mikko, yung mga easy come at easy go. Pero iba e, iba si Scarlett, she's more than a goddess. At alam kong running for Magna Cum Laude siya. She's perfect. Bigla tuloy akong nakaramdam ng inggit para sa kanya.

My Super Boyfriend 2 -- Keeping Up with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon