VOLUME 2: { 34 - Gangster in Him }

1.4K 42 7
                                    

TWT's NOTE: I just recently finished watching The Godfather Trilogy and it was damn good! That's the real 'gangster' thingy lol. Not like the usual na nakipag-basag ulo lang na walang dahilan, gangster na agad. Charot!! HAHA. You can try watching it! I'm still on the verge of the story that's why this chapter is a bit strange and gangsta type wahaha. Forgive me! xx 

PS. Tutal naman ay may Mafia background si Mikko, why not pasukan ng mga ganoong eksena 'di ba? HAHA. For your expectations, this ain't a lovey-dovey update but more of an action-packed scenes hahaha. (maka-action packed e ano?)

PSS. Brace yourselves for a cameo role portrayed by G-Dragon haha. Siya kasi ang una kong naisip sa role na 'to at nakikita ko 'yung personality niya dito. Ayun! Photo at the side


x - - - - - - - - - - x


My Super Boyfriend 2: Keeping Up With You

Volume 2 

written by toneewritestragedies

x - - - - - - - - - - x

Mikko //

Inaantay ko sa helipad ng Hertford Towers si Kayleigh. Alam ko kasing hindi ko siya mapapapunta dito kung ang way ng pagkausap ko sa kanya ay 'yung 'usual talks' namin, hindi siya dadayo dito. But I sometimes use my 'other side' on very rare occassions such as this and it really worked! Akala ko hindi siya mapapasubo pero mapapapunta ko siya ngayon.

Nag-vibrate 'yung phone ko. Pagtingin ko doon sa nag-text, si Kayle.

From: bae

Message: Nandito na ako sa ground floor.

Napangiti ako. Hindi ko na siya ni-reply-an sa text. Tinawagan ko na lang 'yung mga security na ihatid siya sa akin papunta rito.

x - - - - - x

Malayo ang distansya namin sa isa't isa pero nakikita ko sa mga mata niya na parang nasisindak siya sa akin. Pero ako? Shit, gusto ko siya sugurin ng yakap ko at halikan. Miss na miss ko na kasi siya at alam kong kailangan niya ng taong makakasama sa mga panahong malungkot siya.

I'm still looking at her using my 'other side' but inside of me is a different thing.

"Come here." I coldly said to her.

Dahan-dahan naman siyang naglakad papalapit sa akin. Nakataas lang ang isang sulok ng labi ko ng parang naka-ngiwi. Nung nasa tapat ko na siya halata sa mukha niya 'yung kaba at takot. Well, I can't blame her for feeling this way. I know I'm dangerous now.

"B-bakit--?"

Hindi ko na siya pinatapos sa sapagsasalita. Hinila ko siya sa braso at niyakap siya ng mahigpit. Hawak ko ang ulunan niya at isa namang kamay ay nakahawak naman sa may beywang niya.

"You're my girlfriend, right? Why didn't you tell me what happened?" this time, I came back with 'myself'.

"K-kasi natatakot ako na baka magalit ka..." she started sobbing but I hugged her more.

"Why would you fear me? Hindi ako magagalit kasi alam kong hindi ka ganoon. I know you wouldn't cheat for exams and you passed because you studied hard and you did well for that."

She lifted her sight and met my eyes. I stopped her tears from coming out from her eyes and smiled at her.

"T-talaga? Naniniwala ka sa akin?"

I nodded and tapped her head. "Yes. I know you well. Kung nangongodigo ka sa exam eh 'di sana matagal mo nang ginagagawa 'yan and you won't even be my study partner last semester if you are a cheater."

My Super Boyfriend 2 -- Keeping Up with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon