Kabanata 32- Letter

765 24 10
                                    

Letter

Sa halos ilang linggo na lumipas simula nung makulong ako hanggang ngayon ay hindi ko parin magawa na bigyan ng chance kaming dalawa ni Rapha.

Mayro'n parin kasi ng parte sa'kin na nasasaktan ako t'wing maalala ko 'yung nangyari. His gaze that time is like a knife that mark my wrist reason why there's already a scar.

Forgiveness.

I need to forgive him..

Kapag kaya ko na.

"Rapha? Ba't tayo nandito?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya.

Hinawakan niya lang ang siko ko at hinila na ako papasok sa condo niya. Parang may nagtambol sa dibdib habang pinapanood ang blanko niyang ekspresyon para tuloy nagtanong ako sa hangin dahil walang sumagot.

"Rapha, Walang kasama si Anica sa bahay kung dito ako matutulog," napalunok ako sa sinabi ko.

Napatingin naman agad sa'kin si Rapha. Nakita ko pa na umangat ang gilid ng kaniyang labi bago padausdusin ang palad sa buhok.

Tinaasan niya ako ng kilay "My baby want to sleep here huh?" May panunuya niyang sabi.

Agad naman akong nag-iwas pakiramdam ko kapag matagal akong tumitig sa kaniya ay malulusaw ako at talagang mawawalan ng kasama si Anica.

"Dito mo ako dinala 'tsaka gabi na. Dito na lang kaya ako matulog?" Alanganin kong tanong.

Naalarma naman siya sa tanong ko. Nakaupo ako sa rounding sofa at tinabihan naman niya ako. Kinakabahan ako pero hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ko para makapagsalita.

"Sure? Sabi mo 'yan ha? I didn't force you. I just want to give you something and I forgot to bring it,

Napalunok akong tumango-tango. Panigurado naman na hindi pababayaan ni Magen 'yung kapatid ko!

"Ano ba bibigay mo?" Nagtaas ako ng kilay.

May parte sa'kin na gusto muna niya akong suyuin. Kaso t'wing naiisip ko paano kung mapagod na siya? paano kung maisip niya na iwan na ako? paano kung gusto ko pa na lumaban siya pero ayaw na niya?

Ngumuso siya at may inabot sa'kin na mahabang box "Open it.." namamaos niyang sabi bago sumandal sa balikat ko.

Nanlaki ang mata ko ng makita ang isang magandang necklace! Ano na naman ba 'to?

"Para sa'n na naman 'to? Nung ano ay 'yung bracelet ha? Tapos ngayon necklace naman? Rapha naman! Hindi ko pa nga nagagamit 'yung binigay mong bracelet ka ang mahal mahal nakakahinayang gamitin. Tapos may bago na naman!" Iritadong sabi ko.

Hindi naman kasi ako materialistic na tao. Mas gusto ko na ako ang nagpupundar ng mga luho ko. Iniispoil niya ako masyado e! Pa'no kung masanay ako?!

"Then wear the bracelet and that necklace," simpleng sabi niya.

Napasinghap naman ako ng maramdaman ko na tumama ang hininga niya sa leeg ko. Parang nagising lahat ng kalamnan ko!

"Nakakahinayang.." wala sa wisyo kong sagot.

Pinakatitigan ko pa ang necklace. May pendant siya nung katulad sa bracelet at kung parehas ko silang susuotin ay mapagkakamalan 'to na nabili ng set.

Umiling siya at kinuha ang bracelet "Just wear it.." may bahid ng maawtoridad niyang sabi.

Aangal pa sana ako pero siya namismo ang nagsuot sa'kin. Napabuntong hininga na lang ako ako habang tinitingnan ang seryoso niyang mukha habang nilalock ang necklace.

LET ME IN DARK (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon