Kabanata 11- Sister

988 38 9
                                    

Sister

"I'm just kidding bro," Magen laughed.

Naglalakad na kami patungo sa parking lot. Napatingin ako kay Rapha na parang walang naririnig at seryosong nakatingin sa daan.

Nararamdaman ko ang pagkairita niya at pagbabago ng mood. Napatingin ako kay Magen na tinapik ako sa balikat bago pumasok sa kaniyang sedan. Ganun rin si Mint at Venice.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng mapagtantong nakalock. Unti-unting bumaba ang bintana ng sa front seat at bumugad sa akin ang nakangising si Mint.

"Kaela! D'on ka na kay Rapha. Tell him that I'm sorry you're not even my type, Yuck!" Sigaw ni Magen bago paandarin ang sasakyan palayo sa akin.

Awang ang labi akong nameywang at pinagmasdan ang sasakyan niyang unti-unti ng naglalaho sa aking paningin. Sumibol na naman ang pagkainis ko! Anong tingin niyo sasama ako sa lalaking 'yon?

Kumakalabog na ang dibdib ko at naririnig ko na ulit ang pagpintig ng puso ko. How can he do this to me? What right he have to make me feel the strange feeling?

Bumuntong hininga ako bago tumalikod.

"Tangina!" Sigaw ko at napahawak sa dibdib.

Inis akong nag-angat ng tingin sa nakababang bintana ng sasakyan ni Rapha at seryosong nakatingin sa akin.

Pinaglalaruan niya ang kaniyang labi gamit ang daliri habang ang siko ay nakapatong sa bintana ng kaniyang sasakyan. Nararamdaman ko ang biglang panunuyo ng aking lalamunan dahil sa malamig niyang titig sa akin.

Tumaas ang kilay niya "They left you?" seryosong tanong niya.

Napahawak ako ng mahigpit sa kamay ko at kinagat ang labi.

Tumango-tango ako "Pinapasabi rin ni Magen na sorry," alanganin kong sabi.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya, Bakit feeling ko ako ang nagsosorry para kay Magen?

He nodded "Where are you going?"

"Uuwi na," kamot-ulo kong sagot.

He nodded again "Magpapahatid ka ba o hindi?"

Napahigpit ang hawak ko sa aking sling bag bag bago ipalibot ang tingin sa paligid. Napakatahimik ng paligid at tanging ibang mga sasakyan na nadaan lang ang naglilikha ng ingay pati na ata ang malakas na kalabog ng aking dibdib.

"Yves, I'm asking you if you're going to gome home alone or with me?"

I bit my lower lips and nodded.

"What's with that nod? come on tell me," Nagtaas baba pa ang kilay na tiningnan ako.

I nodded "Pahatid?" ngumiti ako.

Tumango siya, Walang ngiti sa labi kundi tango-tango lang bigla tuloy akong kinabahan.

"Hop in," maawtoridad na utos niya.

Tumango-tango ako bago humakbang.

"Your dress, Yves," sabi niya kaya ay napatingin ako sa kaniya. "Hold your dress hem and pull it down," utos niya.

My lips parted and looked at him. Tinaasan niya lang ako ng kilay bago pasadahan ng tingin ang suot ko.

Tumango ako "Okay," sabi ko bago maglakad papasok sa sasakyan.

Pakiramdam ko kumulay na ang mukha ko dahil sa inutos niya. Bakit ba kasi nangingialam siya?

Pinanood ko siyang pinaandar na ang sasakyan. Seryoso lang siyang nakatingin sa daan habang ang siko ay nakapatong parin sa bintana ng sasakyan. Napadako ang tingin ko sa kanang braso niya kung saan humahapit ang suot niyang long sleeve.

LET ME IN DARK (COMPLETED)Where stories live. Discover now