Kabanata 3- Chance

1.2K 47 8
                                    

Chance

"Kaela Yves this is Rapha Jireh, Rapha this is Kaela," walang kabuluhan na pakilala ni Magen.


Napatingin ako kay Magen na abot hanggang langit ang ngiti. Hindi niya talaga alam na may gusto ako sa kaibigan niya no?


Hindi ko magawang mapatingin kay Rapha dahil nasigawan ko siya kahapon. Galit ba siya sa'kin? Mas lalo ba niya ako kinamuhian? Kasi naman! Wala naman talaga kaming ginagawa ni Reil pero si Aica kasi pinagpipilitan na naghaharutan at nagcutting kami! Kung sana hindi ako sinagad ni Aica edi sana hindi ko sila nasigawan!


Siniko naman ako ni Magen kaya inis akong bumaling sa kaniya. Nginuso niya pa si Rapha na nakahalukipkip sa upuan at tiim bagang na nakatingin sa kawalan.


"What?" Iritadong sambit ko.


Nginuso niya muli si Rapha "Makipagshake hands ka, Tigilan mo muna 'yung pagiging masungit mo. Matagal ko na rin 'yang kaibigan pero ngayon ko lang napakilala sa'yo mukhang uhaw ka kasi sa kaibigan simula ng makulong si Tito Seran," bulong niya.


Mas lalo akong nainis sa sinabi niya. Uhaw sa kaibigan? Wala akong pakialam kung dahil sa pagkakakulong ni Tito Seran may mga taong lalayuan ako dahil alam kong wala naman akong kasalanan.. I mean, Wala akong alam sa pinaggagawa ni Tito!


Kaya imbes na titigan pa siya ay tumingin na lang ako kay Rapha.


His dangerous eyes met mine, para bang sinasabi ng mga mata niya na may kasalanan pa rin ako na papatayin niya ako gamit ang nanlilisik niyang mata. Sa paraan ng pagtitig niya parang hinihintay niya akong sabihin ang magic word na dapat kong sabihin pero hindi ako ang may kasalanan! Kaya hinding hindi ako magsosorry! No! Never! Over my dead body!


"S-sorry nga pala kahapon kasi nasigawan ko kayo," nahihiyang sabi ko, Eating my own words!


Well, Hindi naman masama na babaan kahit kaunti 'yung pride diba? May kasalanan rin ako kahit papaano.


He chuckled a bit, Para bang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko. Ano gusto niya ba na lumuhod ako sa harap niya habang nagsosorry? No.


Tumango-tango pero sa tango niya alam kong hindi siya kumbinsido sa sinabi ko.


"Oh! Magkakakilala na kayong dalawa, How?" Gulat na tanong ni Magen. "But wait, bakit ka nagsosorry at anong sinigawan mo siya Kaela?" Curious niyang tanong.


Ramdam ko naman ang biglang pag-akyat ng dugo sa ulo ko. Sunod-sunod na ang paglunok. Paano kung malaman niya na kasama ko si Reil baka isumbong niya ako kay Mama! Pero wala naman kaming ginagawang masama ni Reil!


Napatingin ako kay Rapha na nakatukod ang siko sa lamesa habang pinagmamasdan ako. Siguro nagtataka siya sa biglang pamamawis ng noo ko. Kinagat ko ang labi bago siya direktang tingnan sa mata kahit na nakakatunaw ang titig niya nagawa ko pa rin na labanan. He raised his brows and looked at me like he's solving a puzzle.


"Nasigawan ko kasi sila ng Girlfriend niya Magen." Bumaling ako kay Magen at ngumiti."Nagkamisunderstanding lang kaya gan'on," paliwanag ko.


Tumango-tango naman agad siya, Nakahinga ako ng maluwag mabuti na lang hindi ka masyadong chismoso Magen!


Ngumuso ako, Magen patted my head. He immediately chuckled when he saw pouting my lips.


"Kaela," malamig na tawag ni Rapha.


Mas lalo akong kinabahan sa lamig ng boses niya. Hindi ko alam kung 'yung pagtawag niya ba sa akin ay isang pagbabanta. Kahit kinakabahan ay ginawa kong lumingon sa kaniya.
Kahit hirap ay tinaasan ko siya ng kilay. Bumaling pa siya saglit kay Magen bago ulit ako tingnan. Mas nakaramdam tuloy ako ng kaba. Ano balak niya bang ibunyag kay Magen?

LET ME IN DARK (COMPLETED)Where stories live. Discover now