Kabanata 10- Dinner

962 41 1
                                    

Dinner

Pinapanood ko ang sarili na sunod-sunod ang paghinga habang nasa harapan ng salamin. May iilan pa na babae ang napapatingin sa akin at tipid akong nginingitian. Anong problema nila?

Inayos ko ang buhok at nilagay sa likuran dahil wala akong kahit ano na dala at wala akong nagawa kundi ayusin ang aking buhok gamit ang daliri. Magen! He really doesn't think.

Pinagkrus ko ang aking braso bago titigan muli ang sarili. Kanina pa ako ganito kaya nga may napapalingon sa akin. Sino bang hindi mawiweirduhan kapag may nakitang nakikipagtitigan sa sarili?

I don't want to get out of here!

"Miss," kinalabit ako ng isang babae, Teenager? "Kanina pa daw po kayo hinihintay ng boyfriend mo. Pinasabi niya na lumabas kana daw at sorry na daw po," tinuro niya ang pinto.

Tinaasan ko siya ng kilay dahil parang siya pa ang kinilig. Mas lalo tuloy akong nairita! Anong boyfriend ang pinagsasabi niya?

"Wala akong boyfriend," pilit ang ngiti kong sagot.

Nanlaki naman agad ang mata niya at tinuro-turo pa ang pinto. Para bang hindi naniniwala sa sinabi ko.

"Ikaw lang naman ang nakikipagtitigan sa salamin dito. Kaya for sure ikaw 'yon! Nako te, 'wag kana pakipot ang gwapo gwapo ng boyfriend mo tapos kinakahiya mo lang?"

I massage my temple.

"Bakit ba nangingialam ka? Ang sabi ko wala akong boyfriend so better mind your own business baka nagkakamali ka lang," Iritadong sabi ko at binalik ang tingin sa salamin.

Bumuntong hininga lang siya at nagkibit-balikat para bang alam niya na wala siyang mapapala sa pakikipag-usap sa akin. May karapatan naman akong manahimik kasi first hindi ko siya kilala kaya pinakatitigan ang sarili.

"Ayan oh," tinuro niyang muli ang pinto "Tingnan mo naman kasi. Kawawa 'yung boyfriend mo kanina pa nilalapitan ng kung sinong babae pero halata naman sa mukha niyang naaalibadbaran," iiling-iling niyang sabio bago nginuso ang pinto.

Kaya kahit ayaw ko ay napuno na ako ng kuryusidad. Tumalikod ako at naglakad palabas and then his cold gaze met mine. Bored siyang nakayuko habang ang mga kamay ay nasa loob ng bulsa. Sinisipa-sipa niya pa ng bahagya ang sahig na para bang may mga buhangin sa kaniyang harapan kaya naglilikha tuloy ng gaanong ingay.

May tatlong babae pa na nasa harapan niya na naghahagikgikan habang siya ay parang bored na bored habang nakasalubong ang kilay.

"Oh come on, Just your number then aalis na kami dito," usal ng isang babae na hanggang balikat ni Rapha.

Umiling si Rapha at ngumisi "I'm sorry miss but I didn't just give my phone number for the some strangers,"

Napangiwi naman silang tatlo, Their faces and curved bodies were beautiful. Siguro nagulat sila dahil sa sagot ni Rapha. Ano first time?

"Come on, Shainie! H'wag pilitin ang ayaw masyado ba kayong makate? Let's go!" Tawag sa kanila ng isa pa palang babae na medyo malayo sa kanila.

The girls nodded, Kinindatan pa nung isa si Rapha na umirap lang sa kawalan. Wow, such a flirt!

Sinumulan ko na ihakbang ang paa ko. Agad naman siyang napatayo ng ayos ng makita ako para bang isa akong bus driver na sinundo siyang bata para makauwi.

He didn't smile.. he also didn't say a word.

Tiningnan niya lang ako bago tumalikod at nagsimula ng maglakad. What's that? Is he insane? Nagkaepekto ba agad ang pagbato ko sa kaniya ng menu book sa ulo kaya nagsusungit na naman siya?

LET ME IN DARK (COMPLETED)Where stories live. Discover now