Kabanata 18- Gift

807 27 9
                                    

This chapter is dedicated to Sweetie_baby9, Since birthday mo kahapon!! Luvlots be!!! Miss u!!😞👉👈
--

Gift

"Pababa na, Reil." sabi ko habang inaayos ang ibang gamit.

Nag-angat ako ng tingin kay Rapha na hawak-hawak na ang door knob na mukhang mas-excited pa kaysa sa akin. Tinaasan niya ako ng kilay dahil napansin niya ata ang paninitig ko.

Ipinilig ko ang aking ulo at isinara ang bag.

"Okay," simpleng sabi ni Reil at binabaan ko na ng tawag.

Nagsimula na ako maglakad. Hinawi ko pa bahagya ang buhok ko ng tuluyan na kami makalabas sa office.

"Nasa baba na daw si Reil," baling ko kay Rapha ng makapasok kami sa elevator.

May iilan pa na bumati sa kaniya kaya naitikom ko ang aking bibig. I can't talk to him.. informal here at work! Kailangan ko na sanayin ang sarili ko!

Tumango siya "Tell him that I'm already your boyfriend and he doesn't have any percent chance of winning your heart.. Because I was the only one who can win your goddamn heart, baby." malambing niyang sabi at nagbaba ng tingin sa akin.

Napasinghap ang iilan na nakarinig, Kinagat ko ang aking labi at sinamaan siya ng tingin. Pakiramdam ko nagkoconcert ang puso ko dahil sa sobrang ingay na bumabalot sa aking tainga.

Ngumisi lang siya at nagkibit balikat para bang hindi big deal sa kaniya ang mga sinabi niya na nakapanlambot sa aking katawan.

Tumunog na ang lift kaya agad na kaming lumabas.

"Damn that Reil," iritadong sabi ni Rapha bago ako hapitin sa baywang.

Ngumiwi ako "Rapha, h'wag ka nga masyadong clingy 'wag muna tayo magPDA. Nakakahiya dahil pinagtitinginan tayo," mahinang sabi ko at binalingan ang iilan na tumitingin sa amin.

He chuckled "Okay," he shrugged.

Bahagya siyang dumistansya sa akin kaya nakahinga ako ng maluwag. Mabuti na lang! Ang akala ko magpapasaway na naman siya!

Sa 'di kalayuan ay natanaw ko na si Reil na nakikipag-usap sa guard. Mukhang close sila dahil nagtawanan pa sila. Naglakad na kami ni Rapha, Hindi ko maiwasan na mapatingin sa kaniyang twing dinidikit niya saglit ang kaniyang kamay sa kamay ko.

Binigyan niya lang ako ng mapanlokong ngiti at nagpatay malisya na. Napabaling sa gawi ko si Reil na agad na kumaway sa akin. Unti-unting napawi ang ngiti niya nang mapadako ang tingin kay Rapha na halos idikit na ang sarili sa akin.

"Reil," tawag ko sa kaniya.

Tumango-tango siya at nginitian ako pero agad rin ibinalik ang tingin kay Rapha.

Umirap ako dahil sa postura ni Rapha. Sumisigaw ang kayabang niya kahit na nakangiti lang siya. Kahit na prenteng nakapasok lang sa magkabilang bulsa niya ang kaniyang kamay.

"So.." Nagkamot ng ulo si Reil at tumingin sa akin na para bang nanghihingi ng explanation "Let's go?" sabi niya at binalik ang tingin kay Rapha.

Nagkamot ako ng ulo habang naglalakad "Ahmm.. Reil si Rapha," tinuro ko si Rapha na kasabay rin namin lumabas.

Napapagitnaan nila ako, Tumango si Reil kahit sa akin siya nakaharap ang tingin naman niya ay sinusuri si Rapha na walang kaemosyon-emosyon na naglalakad.

"Boyfriend ko.." dagdag ko.

Napatigil si Reil sa paglalakad kaya gano'n rin kami. Nahihiya akong nag-iwas ng tingin sa kaniya. Para namang nagulat talaga siya sa sinabi ko.

LET ME IN DARK (COMPLETED)Where stories live. Discover now