Kabanata 24- Lucky

714 23 0
                                    

Lucky

"Let's sleep.." malambing niyang sabi.

Napasinghap ako, Nakayakap siya ngayon sa'kin. Bahagya pa akong nakatingala dahil nagsusumiksik na naman siya sa leeg ko.

"Goodnight," mahinahon kong sabi bago umayos ng paghiga.

He chuckled "Goodnight, Baby. Sleepwell and sweet dreams," malambing niyang sabi.

Ngumiti na lang ako at pumikit. Ngayong gabi, It feels different. With his arm.. with his hug.. with him, beside me-- felt like I'm a scar and he's the one who can completely heal it.

How can I let go of him?

How?

If in the first place hindi ko kaya?.. hindi ko kakayanin.

No..

This time, I'm going to choose my happiness. This time i'm going to be selfish. Masaktan na ang masaktan-- hindi ko talaga kaya.

Hindi porket pinipili ko si Rapha ay wala na akong pakialam kay Anica. She also have a biggest space in my heart. Gusto ko lang.. gusto ko lang piliin 'yung sinisigaw ng puso ko. Gusto ko lang piliin na sumaya.

Alam kong masusolusyunan namin 'to. Na walang binibitawan.. na walang naiiwan.

Ayaw kong iwan siya, Dahil alam ko na masakit maiwan. Sabihan man niya na ayos lang, Alam ko.

Malakas na tunog mula sa cellphone ko. Naramdaman ko na rin ang liwanag na tumama sa'king mukha. Napabuntong hininga ako bago tuluyan na idilat ang mata. Isang malaking kurtina na kulay puti ng aking kwarto ang sumasayaw dahil sa ihip ng hangin.

Umayos ako ng pagkakaupo at napatingin ako sa tabi ko. Umuwi na siya? Napadako naman ang paningin ko sa cellphone ko at pinatay ang alarm. Alas syete na. Tumayo ako, 9 am ang pasok ko ngayon sa office. May iilan pa akong branch na hindi pa nasesendan ng schedule ng appointment.

Napahinto ako sa paglalakad ng matanaw sa side table ko ang isang tupperware na may laman na sandwich at gilid ay isang baso ng gatas.

"Goodmorning, Baby. Sorry if hindi kita ginising. You look happy while sleeping. I don't want to disturb you. I prepare your sandwich and milk. Please eat breakfast. I love you, my sweethart." Basa ko sa nakasulat sa sticky note na nakadikit sa tupperware.

Nakagat ko ang labi bago kunin ang hinanda niya. Rapha being a sweet boyfriend!

"Akin 'to ha! H'wag mo kakainin. Hinanda sa'kin 'to ni Rapha," bulyaw ko sa kapatid ko ng makababa.

Tinaasan niya lang ako ng kilay bago kumagat sa sandwich na hawak niya.

"As if ikaw lang ang hinandaan ni kuya Rapha. Mayro'n din ako," tinaasa niya ang sandwich "May sticky note din sabi niya thank you, 'til next time,"

"Kanina pa ba siya umalis?" tanong ko.

Tumango siya at tumingin sa wall clock "Mga 5:30 am.. Nung paligo na ako nakita ko siya naghahanda ng breakfast e,"

Ngumuso ako "Ang aga.."

"Dito mo ulit siya patulugin ate! Para may makain akong breakfast! Buti pa si Kuya Rapha pinaghandaan ako. Ikaw na ate ko, Nakanganga pa habang ako naggugutom," madrama niyang reklamo.

Umirap ako "Hindi natin katulong si Rapha! Tsaka malaki ka na dapat ikaw na naghahanda ng kakainin mo!" Mataray kong sabi.

"Okay.."

"By the way.." alanganin kong sabi, Tumaas ulit ang kilay niya. "About sa ate nung-"

"Oh! Ate don't mind it. Kami na ang bahala do'n. No need to worry about it. May plano na kami ni Ethan," ngisi niya na nagpadilat sa mata ko.

LET ME IN DARK (COMPLETED)Where stories live. Discover now