Kabanata 23- Home

690 24 1
                                    

Home

Umihip ang isang malamig at malakas na hangin na dumampi sa balat ko at dahilan ng pagsabog ng buhok ko nang makalabas ako sa sasakyan ni Rapha.

Tinaasan naman niya agad ako ng kilay bago buksan ang gate. Para bang nanghihingi muna siya ng permisyo. Tumango-tango lang ako, Nag-angat ako ng tingin sa ilaw na nakabukas sa taas. Mukhang gising pa si Anica at hinihintay kami.

"Sige na, Uwi ka na," mahinang sambit ko kay Rapha bago sumalampak sa sofa.

Pinadausdos niya muna ang palad sa buhok bago ako tabihan. Yinakap niya pa ako bago magsumiksik sa leeg ko. Para siyang isang linta na kapit na kapit sa akin.

Wow ha?

"I don't want pa.. I want to stay here for a while.." Mahinang bulong niya.

Napalunok ako bago hawakan ang braso niya "Baka masyado kang gabihin, It's already," tumingin ako sa wall clock "9: 23 pm," paalala ko.

Kanina sa dinner ay wala kaming ginawa kundi ang magkwentuhan. Nagkwento rin si Tito at Tita sa akin 'yung ibang struggles nila habang mag-on sila. Na amaze tuloy ako sa kanilang dalawa imagine Tito Rafael sacriface and workhard, Tita Meli sacriface too.

Dati raw kasi ay pinagkasundo si Tito Rafael sa ibang babae sinubukan ni Tito na suwayin 'yung parents niya. He sacriface the vanity he has. The cars that he collected. His condo, Nakitulog pa nga siya ng halos isang taon sa isang kaibigan at hati sila sa bayarin basta hindi lang matali sa iba. Nakwento niya pa na pumasok siya sa isang restaurant bilang waiter.. sa palengke bilang kargador marami pa siyang nabanggit. While Tita Meli naman, Tinamo niya lahat ng masasakit na salita galing sa ibang tao dahil sikat pala si Tito Rafael bilang isang basketball player! Halos taon-taon siya ang MVP at dahil kailangan kumayod ni Tito ay hindi na siya nakapaglaro pa dahil sa kulang sa oras.

Nakakamangha silang dalawa. Yung mga pinagdaan nila, Parang wala pa sa kalingkingan ng pinagsamahan namin ni Rapha.

"Baby, What are you thinking?" malambing niyang tanong bago dampian ng halik ang pisnge ko.

"Wala.. naalala ko lang 'yung kinwento ni Tito and Tita," nakangiting sabi ko.

He chuckled "Weh?" parang hindi na niniwalang sambit niya.

Umirap na lang ako, Ipapasok na naman niya si Reil sa usapan! Hindi niya ba matandaan 'yung mga panahon na nanlalambot ang tuhod ko t'wing nakikita siya dati? Hanggang ngayon naman.. pero hindi na masyado, Like alam niyo 'yung feeling na hindi ka matatakot sa presensya niya?

I feel like I'm in my comfort zone.

"Ano ipapasok mo na naman si Reil sa usapan?" sarcastic kong tanong.

He grin.. Kinalas niya ang pagkakayakap sa'kin at tinaas ang dalawang kamay na parang bang suko na agad siya.

"Whoa! Wala akong sinasabi ha? You are the one who mention his name. Not me.." natatawang sabi niya bago ngumuso.

Umirap ako "Syempre alam ko na 'yon ang sasabihin mo,"

Natawa naman siyang bumalik sa pagkakayakap sa'kin. Sinandal niya pa ang ulo niya sa balikat ko. Amoy na amoy ko ang buhok niya, Ang bango! Ano ba shampoo nento?!

"I thought.. Kasal natin sa future ang iniisip mo, Baby.. Not Reil," malambing niyang sabi.

Napasinghap ako ng magsumiksik na naman siya sa leeg ko. Para tuloy nagsitayuan ang balahibo ko dahil sa mainit niyang hininga sa leeg ko.

Kasal namin? Oo nga.. I want to spend my whole life with him. Only him,

"Ang bango ng buhok mo. Anong gamit mong shampoo?" pag-iiba ko.

LET ME IN DARK (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon