Kabanata 4- Wrong Question

1.1K 46 9
                                    

Wrong question

Napatingin ako kay Magen na tinapik ako sa balikat dahilan ng pagbalik ng ulirat ko. Nanghihina ko siyang tiningnan hindi ko magawang balingan ng tingin si Rapha dahil sa sinabi niyang nagpadurog sa puso ko at nararamdaman ko na kapag tumingin pa ako sa kaniya ay mas lalo lang akong masasaktan.

"Papasok na ako, Gusto mo ba muna na makisit in or may iba ka pa bang pupuntahan?" Nag-aalalang tanong niya.

Agad niya namang kinuha ang bag niyang nasa lapag at inabutan ako ng candy na tinanggap ko agaran.

I sighed "Hindi pa ako tapos kumain," Turo ko sa pancake. "Mauna na kayo maglilibot-libot na lang ako dito sa campus pagkatapos ko kumain," Walang gana kong sagot.

Pumasok pa naman ako ng maaga para masulyapan itong si Rapha pero hindi ko alam na maaga rin akong masasaktan ulit. Mabuti ba kung katulad kahapon na bago ako umuwi sa bahay ngayon hindi pa nga nagsisimula ang klase lutang na agad ako. Kasalanan ko naman, Oo ako na.

He sighed "Are you sure?" tumango ako. "Alright then I need to go," paalam niya. "Let's go, Rapha." Baling niya sa kaibigan.

Hindi na ako nag-abala pa na hintayin ang sagot niya. Nagsisimula ng sumikip ang dibdib ko para bang 'yung katotohan na hindi talaga pwede ay bumara sa lalamunan ko.

"Mamaya pa ang klase ko, Magen. So you go first,"Malamig na tonong sabi ni Rapha.

Nag-angat na ako ng tingin sa kaniya. Nabitawan ko pa ang tinidor na hawak ko kaya nataranta kong hinawakan muli ito. Bakit hindi na lang siya umalis rin?

Magen scoffed "Come on, Rapha. Hayaan mo muna d'yan si Kaela," Pamumumilit ni Magen.

Patay malisya akong nagpatuloy sa pagkain. Bahala sila kung anong desisyon nila sa buhay.

"I said go first, Magen. Hindi pa rin ako tapos uminom ng kape at ginugutom pa ako. Kaya mauna ka na baka malate ka pa wala naman akong gagawin dito kay Yves," Rapha explained.

Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga ni Magen kaya napatingin ako sa kaniya. Nakasabit na sa kabilang balikat niya ang kaniyang bag at tinaasan ako ng kilay na para bang naghihintay ng approval ko.

I nodded "Sige na baka malate ka pa," taboy ko sa kaniya bago ngumiti.

Umayos siya ng pagkakatayo at pinakatitigan pa ako para bang sinosolo niya ang malamya kong itsura kaya agad akong umirap. Binalik ko na lang ang atens'yon sa kinakain. Kung mas mabilis akong kumain ay mas mabilis rin akong makakaalis dito.

"Aalis na ako," natatawang paalam niya. "Rapha, Bro don't do stupid things," Rinig kong bulong ni Magen.

Bulong pa ba ang tawag d'on kasi rinig na rinig ko. Ginulo pa bahagya ni Magen ang buhok ko bago paatras na tumakbo habang kumakaway, mabuti na lang walang nakaharang sa mga dinadaan niya kundi pinagtatawanan na siya.

Pagbalot ng isang katahimik, Tanging naririnig ko na lang ang kaunting bulungan ng iilan at mga crew na may kausap na customers. Napalunok ako ng marealized na nasa harapan ko nga lang pala ang lalaking nagpaparamdam sa akin na malabong makuha ko ang gusto ko. Kasi hindi naman lahat ng gusto ng isang tao ay nakukuha.

Parang may kutsilyong tumusok sa puso ko ng maalala na pinagduduldulan niya sa akin na mas bata ako na mas matanda siya kaya hindi pwede. Kumakalabog na muli ang dibdib ko at may namumuo ng pawis sa noo ko pati ang kamay ko ay nanginginig na rin dahil nagsisimula ng manlabo ang paningin ko.

"Are you mad?" tanong niya.

Hindi ko pa rin siya tinitingnan kasi naiinis ako! Naiinis ako bakit bawal?! Bakit hindi pwede?!

LET ME IN DARK (COMPLETED)Where stories live. Discover now