Kabanata 12- Trash

938 38 0
                                    

Trash

Nakagat ko ang labi habang pinagmamasdan ang kalakihan nitong building. Hindi ko alam pero habang pinagmamasdan ang napakataas na kabuuan nito ay biglang nanuyo ang lalamunan ko.

Inayos ko ang suot kong pencil cut at nagpakawala ng isang malalim na pagbuntong hininga. Masyado kasing maiksi 'tong suot ko kasi naman si Anica ginamit ng walang paalam 'yung isa kong pencil cut pero ayos lang dahil kasama na defense naman nila 'yun ginamit may purpose naman kaso hindi ako aware edi sana nalabhan ko kagabi.

Nagsimula akong maglakad pinapakiramdaman ko pa ang mga tao sa paligid ko. Napahawak ako sa kabilang nakatuping hanggang siko na suot kong kulay puting long sleeve. Inayos ko rin ang pagkakabitbit sa kulay gray kong sling bag.

Kunot-noo akong napatingin sa isang gawi na nagkukumpulan. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ng kaba dahil sa dami ng tao.

Napatingin ako sa gawi ng mga nagkukumpulan dahil nakaharang sila sa daan papunta sa elevator. Bumuntong hininga ako bago maglakad. So, makikisingit ako? makikipagsisikan ako?

"Mayaman ako! Gwapo at higit sa lahat lapitin ng mga babae kaya ano pa ang dahilan mo para magpakipot?!"

Rinig kong sigaw ng lalaki, Napahinto ako sa paglalakad dahil hindi ko nakita ang itsura nung lalaki.

Nagbulong-bulungan na ang iilan na babae sa gilid. Halos puro babae lang ata ang natatanaw ng paningin ko. Hindi ko alam kung receptionist ba sila or what.

Nakagat ko ang labi ko at tumingkayad bahagya pero hindi ko masyadong matanaw ang pinagkakaguluhan nila dahil sa dami ng ulo na nakaharang.

"Let's go!" sigaw muli ng lalaki.

Kakagatin ko na sana ang labi ko ng makarinig ng paghikbi.

"Ayaw ko nga!"

Para akong binuhusan ng isang baldeng malamig na tubig. Nagsimula na kumabog ang dibdib ko at bumibilis na rin ang pagtibok ng puso ko dahil sa isang pamilyar na boses.

Halos hindi ako nakagalaw at napakurap ng bumalot sa aking tainga ang boses niya.

"Mayaman ako! Gwapo at higit sa lahat lapitin ng mga babae. Kaya sumama kana sa akin let's have some fun!" Mayabang ngunit may bakas na iritasyon na sigaw ng lalaki.

Napahawak ako sa sling bag ko at kahit nahihirapan ay humakbang ako. Sigurado ako kung kanino nanggaling ang pamilyar na boses kanina.

"Ano?! You don't want to come with me?!"

Sa isang iglap ay nagtilian at sigawan na ang mga nakapalibot na nanonood. Agad akong nataranta hindi ko alam pero bigla akong naiyak habang sumisingit.

"Excuse me," basag ang boses kong sabi sa mga nadadaanan ko.

Naestatwa ako at dahan-dahan na lumipad ang palad sa bibig ng maproseso sa utak ang nakikita. Parang tinutusok ang dibdib ko dahil sa nakita. Nakagat kong sinulyapan ang lalaking nakakunot ang noo habang pinagmamasdan si Anica na nakaupo sa sahig na bakas na bakas ang takot sa mukha. Pinakatitigan ko siyang nahikbi habang yakap-yakap ang sarili.

Nangangatog na ako sa galit sumisibol na sa damdamin ko ang matinding pagkainis. Nanlalabo na rin ang paningin ko dahil sa luhang gustong tumulo sa pisnge ko.

Nanghihina kong hinubad ang suot kong long sleeve dahilan ng pagsinghap ng iilan. Nanginginig ang kamay kong itinaklob sa takot na takot kong kapatid. Mabuti na lang at nakabralette ako at hindi masyadong masagwa kumpara sa kapatid kong punit punit ang suot na blouse dahilan upang makita ang kaniyang kulay itim na bra.

LET ME IN DARK (COMPLETED)Where stories live. Discover now