Kabanata 15- Lunch

998 25 6
                                    

Lunch

"Hindi naman porket wala kang trabaho ay bawal ka na magmahal.. manligaw," Kinagat ko ang aking labi at umiwas ng tingin.

He chuckled "Masyado ka pa ngang bata. Imagine you're just 17 nung nagustuhan kita tapos 21 na ako. Masyadong malaki ang agwat," natatawa niyang sambit.

Umirap ako sa kawalan dahilan ng pagngisi niya. Naglakad siya palapit sa kaniyang swivel chair at nginisia ako. Pinanood ko siya kinuha ang picture frame at dinampian ng maliit na halik ito. Naramdaman ko naman ang pamumula ng pisnge ko. Ngumisi siya bago ibalik ang frame habang kagat ang ibabang labi.

Napalunok ako, Pakiramdam ko dumaloy lahat ng kahihiyan sa buong katawan ko. Bakit niya ba ginagawa 'tong mga 'to?

"Pwede mo naman kasi sa akin sabihin 'yung tunay na nararamdaman mo." maliit ang boses ko sabi.

Napaayos ako sa pagkakatayo at bahagyang yumuko parang bigla akong nanlambot.

"Let's not talk about past," he mouthed "Ang importante nasabi ko na sa'yo 'yung totoong nararamdaman ko.." malambing niyang sabi. "By the way, About Reil?" Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Tinaasan niya ako ng kilay "Nagdedate parin kayo? How long is it? Do you like him?" sunod-sunod niyang tanong.

I cleared my throat "Hindi," agap kong sagot.

Tinasaan niya ako ng kilay "Come on, Be honest I don't mind naman," malamig ang boses niyang sinabi.

Hinawakan niya ako sa palapulsuhan at dahan-dahan na nilapit sa kaniya. Yumuko dahil hindi ko alam bakit parang kinakabahan ako? Yumuko rin siya at pilit na hinuhuli ang mata ko gamit ang malamig na titig.

Salubong ang kilay niya habang nakakunot ang noo.

"You looks nervous. Okay, Don't answer it," ngumisi siya pero sa ngisi niya alam kong may pagkasarkastiko.

Bumuntong hininga ako, Hindi naman talaga kami nagdedate na ni Reil. Hindi ko rin alam kung bakit siya tumawag sa akin kanina. Kung nasagot ko sana edi alam ko kung bakit!

I sighed "Balik na po ako sa pwesto ko," sabay turo ko sa slidong door. "Kung may ipag-uutos ka po ay sabihan mo lang ako," Ngumiti ako.

Hindi niya ako tiningnan nakatagilid lang siya sa akin but I can saw that his brows furrowed. Tumango siya habang nakakunot parin ang noo. Ipinatong niya ang siko sa lamesa bago tumingin sa kawalan.

Hindi ko alam kung bakit parang tinutusok ang puso ko sa biglang pagtahimik niya. Tumalikod na lang ako nagsimulang maglakad palapit sa pwesto ko.

Nilapag ko sa gilid ang bitbit kong paper bag na walang laman bago umupo sa swivel chair. This place looks good.

Napakaaliwalas, Kulay puti ang kulay ng paligid ang kulay naman ng lamesa ay brown na parang gawa sa kung anong maganda na kahoy. Napahawak ako sa magkabilang hawakan ng swivel chair at bahagyang pinaglaruan ang pagkakaupo.

Para akong isang bata na nakasakay sa isang palaruan sa playground.

Mga ilang minuto pa ang ginugol ko sa pagdama ng swivel chair na para sa akin. Napadako ang tingin ko sa cellphone kong tumunog.

Napatingin pa muna ako kung nasaan si Rapha. Naitikom ko ang aking bibig ng makita siyang nakaupo sa kaniyang lamesa. Bahagyang nakakrus ang kaniyang mahabang legs at Maskuladong braso. Blanko lang ang kaniyang ekspresyon habang sinusuri ang galaw ko. Tinaasan niya ako ng kilay bago umirap sa kawalan.

Bumuntong hininga ako bago tuluyan na kunin sa loob ng bag ang cellphone na biglang tumunog.

"Napatawag ka?" Panimula ko.

LET ME IN DARK (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon