Chapter 19

966 52 26
                                    

Irene's POV

After graduation...

"Naks! Graduate na talaga tayo!" masayang sabi ni Benjie sakin pero nginitian ko lang sya.

Si Anna hindi na tuluyang nakapasok dahil sa sakit nya na mas lumala habang tumatagal sya sa Hospital. Si Nathan naman tuluyan naring hindi nakauwi. June 10 ngayon, 1st anniversary namin. Last last month pa natapos ang graduation namin pero hanggang ngayon ay hindi parin maka-move on si Benjie.

"Grabe ang saya saya ko na mags-senior high na tayo!" masaya talagang sabi nya kaya natawa ako.

"Oo na, manahimik kana at pupunta na tayo kay Anna." sabi ko sa kanya tsaka naunang naglakad papasok sa Hospital.

Pagpasok palang namin sa kwarto ni Anna ay parang gusto ko nang maluha dahil naglalagas na yung buhok nya tapos malalaman mo talagang hinang hina na sya kahit hindi nya sabihin dahil sa itsura nya.

Napag-usapan namin nila Tita Arielle na sa ibang bansa ipapagamot si Anna para gumaling na sya. Ewan ko kung bakit ngayon lang namin naisip yun. Bukas ang flight nila Tita Arielle at hindi na kami sasama ni Benjie dun dahil may aasikasuhin pa kami dito sa Pilipinas.

"Anna, magpapagaling ka ha? Sundin mo lahat ang sasabihin ng Doctor." nakangiting sabi ko sa kanya pagkaupo ko sa tabi nya. Tumango naman sya sakin tsaka nag-salita.

"Oo. Para sa inyo magpapagaling ako, at para sa taong mahal kong may mahal ng iba." nakuha nya pa talagang magbiro pero alam ko namang totoo yun. Alam ko rin kung sinong tinutukoy nya.

"Basta magpagaling ka agad, Bakla. Sabay tayong g-graduate ngayong senior high!" singit ni Benjie.

"Oo magpapagaling agad ako, promise." sabi nya na itinaas pa ang kanang kamay na parang namamanata.

Bigla ay napatingin kami sa biglaang pagbukas ng pintuan. Pagtingin ko ay nagulat ako sa biglaan ding pagpasok ni Nathan tsaka agarang nilapitan si Anna. Kahit nasasaktan ako ay ngumiti parin ako dahil alam kong magiging worth it ang gagawin ko kay Nathan.

Bigla ay parang natauhan si Nathan sa ginawa tsaka nya ako unti-unting nilingon.

"Welcome back." prente kong bati sa kanya tsaka nya ako niyakap. Niyakap ko naman sya pabalik dahil baka ito na yung huli.

"I miss you, Babe." bulong nya sakin habang nakayakap.

"I miss you too, Nathan." seryoso kong sabi kaya napabitaw sya sa pagkakayakap sakin.

H'wag kanang magpanggap na mahal mo pa ako, Nathan. Mas masakit yun eh.

"Can we talk?" tanong ko sa kanya tsaka tinignan sila Benjie at Anna. Tumango naman sakin si Benjie tsaka ako lumabas. Pumunta kaming dalawa sa garden nitong Hospital dahil doon ang wala gaanong tao.

"You know how much I love you, right?" tanong ko sa kanya at tumango naman sya sakin tsaka ngumiti.

"Of course, Babe."

"But I don't know if you still love me, Nathan." usal ko na ikinagulat nya. Magsasalita na sana sya ng unahan ko sya.

"Anna needs you, Nathan. Bestfriend ko sya kaya gagawin ko lahat. Kaya kong bitawan ang kasiyahan ko, mapasaya ko lang sya." sinsero kong sabi ko sa kanya tsaka bumuntong hininga.

"Alam ko na.. mahal nyo pa ni Anna yung isa't isa, Nathan kaya-" natigil ako sa pagsasalita ng pigilan nya ako.

"Stop it, Babe. That's not funny. Wala namang ganituhan oh." aniya pero ngumiti lang ako kahit na ang totoo ay sobra na akong nasasaktan.

Akala ko siya na (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon