Chapter 10

1.1K 57 25
                                    

Irene's POV

"Okay, okay. Tama na yan." natatawa kong nilingon si Nathan ng makitang nakasimangot na sya dahil sa sinabi ni Ate samin.

"Kainan na!!" biglang sigaw ni Isabelle kaya nagtawanan kami. Napapahiyang nagkamot naman sya sa ulo tsaka ngumiti ulit.

Masaya kaming kumain habang nagkwekwentuhan. Napag-uusapan narin namin yung course na balak naming kunin pag nag college kami. Si Nathan balak mag-nursing. Ako naman HRM dahil mahilig naman ako sa pagluluto o pagbe-bake. Si Isabelle lilipat narin sa school na pinapasukan namin ni Ate. Meron rin kasing elem doon.

"Aalagaan mo itong Anak ko, Nathan kapag nawala na ako ah?" bahagyang kumunot ang noo ko sa sinabing yun ni Papa.

"Pa? Ano bang sinasabi mo dyan?" takang tanong ko at bahagya naman syang natawa tsaka umiling. Parang namamaalam na 'to eh. Hays.

"Kahit hindi nyo po sabihin eh aalagaan ko po ng mabuti 'tong Anak nyong masyadong mainitin ang ulo." nakangising ani Nathan kay Papa kaya umirap ako.

Epal rin eh.

"Tss epal!" sigaw ko sa kanya dahil sa inis at tinawanan naman nila ako ni Papa.

"Nako. Ganyan talaga yan. Simula nang magdalaga e naging mainitin ang ulo." ani Papa kaya ngumiwi nalang ako sa katotohanang yun. Siguro dahil narin sa pagme-mens ko kapag.

"Sige na at may pupuntahan pa ako." paalam ni Papa samin.

"San ka pupunta?" tanong ni Mama kaya bahagya naman syang niyakap ni Papa. Parang may mali talaga eh.

"Ingat ka, Pa." seryosong ani ko sabay yakap sa kanya. Ganon rin si Ate kay Papa.

Pag-alis ni Papa nakipaglaro naman si Isabelle kay Isaac, bagong biling aso ni Papa. Natawa nga ako kasi pinangalan nya pa talaga sa kanya. Kami naman ni Nathan naisip magbake dahil walang magawa. Si Ate nagpapahinga. Si Mama naman may inaayos sa taas. Maya maya pa bigla kaming nakarinig ng parang nabasag kaya dali dali kaming lumabas ni Nathan sa kusina at nagulat kami ng umiiyak na si Isabelle. Yun pala nabubog sya at pagkalapit namin nakita ko na nabasag yung picture frame ni Papa kaya biglang lumakas ang tibok ng puso ko.

"H-hello?" utal na sagot ni Ate sa kabilang linya. Maya maya pa nagulat kaming pare-pareho ng biglang bumagsak ang cellphone nya sa sahig at makita ang sunod sunod na patak ng luha ni Ate.

"A-anong sabi, Anak?" utal na tanong ni Mama, halatang kinakabahan din sya tulad ko.

"N-na hit and run si Papa, Ma. Sabi nung doctor na tumawag sakin d-dead on arival naraw nung idala si Papa sa hospital." bigla ay parang gusto kong sumigaw ng sumigaw dahil sa narinig ko.

Hindi pwede 'to. Bakit naging ganito? Karma ko na ba 'to? Pero sobra sobra na 'to! Kailan lang nung magkaayos kami ni Papa eh. Hindi pwede 'to. Hindi sya pwedeng mawala dahil marami pa akong gustong gawin kasama sya. Gusto ko pang manood ng movie kasama sya. Gusto ko pang ipatikim sa kanya lahat ng nalalaman kong putahe. Kasama lang namin sya kanina eh. Nakausap pa namin. Nayakap ko pa sya ng mahigpit.

Hindi ko namalayang unti unti narin pala akong naiyak at naluhod sa sahig dahilan para lumuhod rin si Nathan para alalayan ako. Hindi ako makapaniwalang yung kaninang kausap ko lang eh bigla nalang nawala.

"N-nathan.. Wala na ang Papa ko." umiiyak kong ani kay Nathan na nakayakap lang sakin, hindi alam ang gagawin.

Tahimik akong umiyak sa balikat ni Nathan hanggang sa mapagdesisyonan naming nasa bahay na puntahan na si Papa sa hospital. Pagdating doon ay napagdesisyunan namin nila Mama na mauna na muna akong pumasok sa loob kung nasaan ang katawan ni Papa.

Akala ko siya na (Completed) Where stories live. Discover now