Chapter 4

1.6K 62 13
                                    

Irene's POV

Nagpaalam si Anna at Benjie sakin at sa principal na may emergency sa bahay nila kaya mag-isa akong pumunta sa canteen na syang ipinagtaka ni Nathan panget pero bago pa sya makapagtanong eh pinag-order ko na agad sya ng makakain naming dalawa.

Habang kumakain kami ay tahimik lang ako habang sya naman ay mukhang humahanap ng tyempo para makapagtanong. Hanggang sa matapos kaming dalawa ay wala parin akong kibo pero sya hindi nya yun natiis at nagtanong rin sakin habang patungo kami sa room.

"Bakit mag-isa kalang na bumalik? Okay kalang ba? Nasan yung dalawa?" sunod sunod nyang tanong sakin at napabuntong hininga naman ako.

Dapat ko bang sabihin sa kanya?

Napabuntong hininga ako sa tanong ko sa sarili. Pwede siguro yan kasi kaibigan narin naman namin sila nila Anna at Benjie eh. Karapatan nya ring malaman dahil kaibigan nya rin si Anna. Sa huli napagdesisyonan kong ikwento sa kanya lahat ng napagusapan at nalaman namin ni Benjie na problema ni Anna.

"What? Is she okay?" alalang tanong nya na ipinagtaka ko.

"May gusto kaba sa kanya?" matalim ko syang tinignan ng itanong ko iyon.

"Wala 'no! Baka ikaw?" mapang-asar nyang tanong kaya tinaasan ko sya ng kilay.

"Anong ako?"

"Baka ikaw ang may gusto sakin?" nakangising tanong nya kaya nag-iwas ako ng tingin at pinilit wag na matawa dahil sa inis pero di ko napigilan.

"Aba't talagang siraulo kang tunay eh 'no? Ano namang magugustuhan ko sa'yo eh puro kalang naman hangin." pagsasabi ko ng totoo kaya sumimangot sya.

"Tsh! Yabang mo ah?" naiinis nyang tanong pero di ko na sya pinansin at dumeretso nalang sa room.

Maagang ring natapos ang after noon class namin kaya maaga rin kaming pinauwi. Maglalakad na sana ako pauwi ng huminto sa harapan ko si panget habang hawak hawak ang helmet na ginamit ko kanina kaya no choice ako kung 'di ang abutin yun. Okay nang makisakay ako. Kesa mapagod akong maglakad diba? Hehehe.

Pagdating sa tapat ng bahay agad kong inabot sa kanya ang helmet at papasok na sana ng matigilan ako dahil nakalimutan kong magpasalamat sa paghatid nya sa akin.

"Salamat sa paghatid. Papasok nako--"

"Hep! Ayoko ng salamat." aniya kaya taka akong nilingon sya.

"Anong gusto mo?"

"Ikaw." yan nanaman sya. Yan nanaman ang linyahan nyang nakakapagpahinto sa pintig ng puso ko. Ano bang nangyayari sakin? Wag mong sabihing.. No! Hindi pwede! Kakakilala palang namin diba? So it can't be!

"Natigilan ka? Biro lang yun. Wag mong seryosohin. Baka ikaw lang din masaktan hahaha!" aniya sabay tawa kaya inis akong nag-iwas ng tingin.

Bakit parang may kirot? Hoy! Irene! Umayos ka nga!? Hindi ka pwedeng magkagusto sa lalaking yan dahil baka may gusto syang iba tapos ikaw lang din ang masasaktan!

"Siraulo!" nasabi ko nalang na ikinagulat nya kaya napapikit ako sa kahihiyan. Bakit ko ba nasabi yun!? Mas lalong manghihinala 'tong hinayupak na 'to na hindi ko nagustuhan yung huli nyang sinabi eh!

"Sabi na nga ba may gusto ka sakin eh! Hindi mo nagustuhan yung huli kong sinabi 'no? Ayy!! May gusto sakin--" natigil sya sa pagsasalita ng takpan ko ang bibig nya gamit ang kamay nya.

"Siraulo ka!? Mamaya may makarinig sa'yo dito! Tsaka anong hindi nagustuhan ang huli mong sinabi? Lul! Mandiri ka nga sa sarili mong imahinasyon?" tuloy tuloy kong sabi sa kanya tsaka inalis ang kamay sa bunganga nya. Eww! Mamaya may germs pa bunganga nya eh.

Akala ko siya na (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon