Chapter 2

2.6K 66 33
                                    

Nathan's POV

Irene babes? Ewan ko kung saan ko nakuha yun. Basta gustong gusto ko kapag nakikita ko syang naiinis sakin. Kanina nung unang kita ko sa kanya alam ko ng pikon sya.

"Hoy! Bakit mo ba ako hinila ha!? At tsaka paano mong nalaman itong bahay namin, huh!? Stalker kita nuh!?" tuloy tuloy nyang sabi kaya napangiwi ako.

"Stalker agad? Hindi ba pwedeng sa tapat ng bahay nyo lang rin ako nakatira?" nakita kong nanlaki ang mata nya dahil sa sinabi ko.

Yep! Katapat ng bahay nya ang bahay ko. Ako lang mag-isa ang nakatira dito dahil nasa states ang family ko. Tumakas lang ako sa parents ko dahil masyado na akong nasasakal sa pagiging strict nila. I know para yun sa akin pero lalaki kasi ako at para sakin hindi na kailangan ng pagiging strict ng parents kasi nga lalaki ako. Alam ko na ang hindi at pwede. Hindi naman porke lalaki eh hindi na responsible sa ibang bagay nila? Hindi porke lalaki ako mahilig na ako makipagbarkada.

"W-what!? Dito ka nakatira sa village kung saan kami nakatira!?" paguulit nya at prente naman akong tumango tango sa kanya as an answer.

"You gotta be kidding me." bulong nya at umiling iling naman ako.

"So nakita mo na ako kanina palang?" tanong nya sakin.

"Yep."

"Kung minamalas kanga naman oh!" inis na sigaw nya kaya naman sumimangot ako.

"Etong pagmumukhang 'to? Malas?" sarkastikong tanong ko sa kanya.

"Gusto mo ng honest na sagot? Oo, malas ka kahit anong pogi mo." aniya kaya napangisi ako.

"So sinasabi mong pogi ako?" nakangisi kong tanong at tila narealize nya yung sinabi nya dahil natigilan pa muna sya bago makabawi.

"H-hoy! Hindi ganon ang ibig-" natigil sya sa sinasabi nya ng marinig naming dalawa ang pagbukas ng gate.

"Oh! You're here anak!" sabi nung sa tingin ko ay Mama nya dahil tinawag sya nitong anak. Magkahawig rin sila kaya nalaman kong mag-ina sila.

"O-opo, Ma. Nga pala male-late raw po ng uwi si Ate." sabi nya sa Mama nya.

"Ah ganon ba? Hindi mo man lang ba ako ipapakilala sa kasama mo?" nang-aasar pang tanong ni Mama nya kaya napangisi rin ako ng mapatingin sya sakin at sinenyasan na walang ibang sasabihin.

"Ah, Ma. Si Nathan pange- kaklase ko po." sabi nya at bahagyang sumama ang mukha ko ng marinig ang 'Pange-' alam kong panget yun at wala ng iba.

"Ah ganon ba? Oh eh anong ginagawa nya rito?" tanong nung mama nya.

"Kapitbahay natin sya, Ma. Katapat lang. Nandito sya para bwisitin ako ma." sarkastikong aniya.

"Ah hindi po, Tita. H'wag kayong maniwala dyan. Gusto ko po kasi mapanood magbake. Hilig korin po kasing mag-bake." nakangiting sabi ko sa mama nya.

"Ganon ba? Oh pumasok na kayo ng makapagsimula." nakangiting ani Tita.

Irene's POV

"Oh!" inis kong sigaw sabay bato sa kanya nung flour. Agad nya namang nasalo yun pero napaatras sya dahil malakas ang pagkakabato ko dahilan para tumama sa tyan nya.

"Amazona!" sigaw nya rin sakin kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Hoy! Nandito ka sa teritoryo ko kaya magtiis ka!" at ang mokong aba! Tumahimik. Ano nanaman kayang kabaliwan ang nasa isip netong bwisit na 'to?

Agad kaming nagsimula ng maihanda na ang mga kailangan. Nagdecide kami na cookie ang ibake naming dalawa. Ang mokong naisip pa na magsarili raw kami tapos ipapatikim namin kay mama then tatanungin kung kanino ang mas masarap. Pumayag nalang ako dahil alam ko namang mas masarap ang gawa ko kahit hindi ko pa natitikman ang gawa nya. Papatalo ba naman ako? Hindi ko ugali yun kaya sisiguraduhin kong ako ang mananalo.

Akala ko siya na (Completed) Where stories live. Discover now