Chapter 15

920 44 11
                                    

Irene's POV

Hanggang sa makauwi ako sa bahay ay sinundan ako ni Nathan. Takang taka nga sila Mama sa nangyayari samin pero hindi ko sila kinibo. Nang makapasok naman si Nathan sa kwarto ko ay pinagbabato ko sya ng unan. Naiinis ako sa kanya. Pwede nya namang sabihin saking mahal nya pa si Anna eh. May pahali-halik pa sya sa noo ni Anna. Bwisit sya!

"Lumayas ka rito! Ayoko na sa'yo!" sigaw ko habang masama ang tingin sa kanya. Kahit anong galaw ko eh nakuha nya parin ang dalawang pulsuhan ko tsaka deretsong tinignan sa mga mata ko.

"Don't you ever say that again, Irene." mariin nyang ani kaya kunwari kong sinamaan lalo ang tingin ko.

"Ano yun? Yung ayoko na sa'yo-" natigil ako sa pagsasalita ng magmura sya.

"Fuck!" sigaw nya kaya sumimangot ako.

"Minumura na ako ngayon?" naiiyak kong tanong na ikinagulat nya. Syempre, trip trip ko lang yan. Pati yung iyak ko kanina? Acting lang yun. Tinignan ko lang kung anong gagawin nya.

"Hindi ikaw. 'Wag mona kasing sabihin yun, Babe!" aniya at nagulat naman sya nang bigla ko syang halikan sa labi ng mabilis.

"Okay. I love you." nakangiti kong usal kaya natawa sya na ipinagtaka ko.

"Mas malala ka palang toyoin sakin, 'no?" natatawang tanong nya kaya sumama ang tingin ko. Nawala lang yun nung halikan nya ako sa pisngi.

Talagang napaka-swerte ko sa lalaking 'to.

"Umuwi kana. Para makapaglinis ka ng katawan. Ang baho mo eh. Amoy pambabae ka na pabago." ngisi ko sa kanya kaya inamoy nya rin ang sarili nya.

"Ah baka nung niyakap ko si Anna kanina." kusa syang natigilan sa sinabi nya tsaka tumikhim. "A-ano kasi, Babe. Naiyak sya kanina kaya yun niyakap ko para i-comfort." pagpapaliwanag nya kaya natawa ako.

"It's okay, Babe. Walang kaso sakin yun dahil kaibigan ko naman si Anna. Wala akong dapat ikaselos dahil sakin kana ngayon." nakangiting sabi ko kaya napangiti rin sya.

"Sige na. Uuwi na muna ako. Usap nalang tayo mamaya pagkatapos kumain."

Gaya nang napagusapan namin ni Nathan, tumawag sya sakin after namin pareho kumain. Inubos namin yung natitirang oras namin sa paguusap. Kahit kami na ni Nathan wala paring nagbago samin. Asaran parin kami ng asaran. Bangayan ng bangayan. Mas gusto ko yun. Yung walang nagbago saming dalawa.

Kinabukasan maaga akong pumasok sa school. Hindi na ako nakisabay kay Nathan dahil may kailangan pa akong ipasang project sa isang teacher namin. Bukas pa ang deadline pero ginawa ko na kagabi para wala na akong pro-problemahin. Pagkatapos kong ipasa umalis rin agad ako sa faculty. Magdedere-deretso na sana ako ng lakad papunta sa Room ng may bigla nalang humablot sakin at pagtingin ko ay si Anna yun.

"A-anna..." naiusal ko dahil sa itsura nya. Mugto ang mata. At halatang kulang sa tulog.

"A-anong nangyari sa'yo?"

"Can you promise me one thing?" tanong nya sakin kaya tumango lang ako.

"Promise me na iingatan at aalagaan mo si Nathan. 'Wag mong gawin sa kanya yung ginawa kong pananakit sa kanya noon." ani Anna.

"Anna-"

"Just promise it to me, Irene!" nagulat ako sa biglaang pagtaas nya ng boses kaya awtomatiko akong tumango at nagsalita.

"I-I promise."

"Good." yun lang at bigla nalang syang umalis sa harapan ko. Sa pangalawang pagkakataon, nagulat nanaman ako. Bigla nalang kasing sumulpot sa tabi ko si Benjie.

Akala ko siya na (Completed) Where stories live. Discover now