Special chapter

1K 41 10
                                    

Natalia's POV

"Talia, ano pang ginagawa mo diyan?" Agad kong sinamaan ng tingin si Luke nang itanong niya sa akin 'yon dahil nakikita naman niyang sinisintas ko ang sapatos ko.

"Can't you see? Inaayos ko sintas ng sapatos ko." Masungit kong sabi kaya napatingin siya sa satapos kong hindi ko maisintas ng maayos at napangiwi siya tsaka yumuko.

"Ako na nga. Kahit kailan hindi ka marunong mag sintas." Sabi niya kaya napanguso ako.

"Si Dad kasi lagi nagsi-sintas ng shoes ko mula bata ako, and you know that." Sabi ko sa kaniya at nang matapos siyang sintasin ang sapatos ko ay pinitik niya ako sa noo.

"Aray! What was that for!?" Inis kong tanong sa kaniya.

"Wala lang. Gusto lang kitang pitikin." Nakangising sabi niya, nang-aasar. "Tara na sa bahay." Sabi niya kaya nainis ako nang hindi manlang makabawi sa kaniya.

Pag dating namin sa bahay nila ay agad kong binati ng yakap si Tita Irene, ang Mommy ni Luke na bestfriend ko naman mula pag-kabata. Mabait sa akin si Tita Irene because she's my Mom's bestfriend.

"Tita, si Luke pinitik ako sa noo kanina wala naman po akong ginagawa sa kaniya." Pagsu-sumbong ko kay Tita Irene nang maibigay niya ang baon naming dalawa ni Luke kaya istrikto niyang tinignan si Luke at ako naman ay pigil ang tawa habang sinesermonan ni Tita si Luke.

"Kahit kailan talaga sumbongera ka kay Mama." Aniya pag labas namin ng bahay nila.

"It's your fault rin naman, duh." Maarte kong tugon kaya napailing nalang siya tsaka sumakay sa bike niya at umupo naman ako sa may angkasan.

Nang makadating kami sa school ay agad akong bumaba at hinintay siya tsaka kami sabay na pumasok sa loob. Nang makapasok kami sa loob ay nag-hiwalay na kami pareho ng daan dahil mag-kaiba kami ng room pareho.

Habang nagla-lakad ako ay bigla nalang may yumakap sa akin mula sa likod kaya napangiti ako dahil isang tao lang ang gagawa nito sa akin. Si Jenny, kaibigan ko.

"Girl, omygosh! I missed you!!" Agad na napatingin sa amin ang ibang estudyante na nasa paligid namin dahil sa lakas ng boses niya kaya natawa ako.

"I missed you too! Tara na sa room para makapag-kwentuhan tayo." Sabi ko at habang nagla-lakad kami papunta sa classroom naming pareho ay nagkwe-kwentuhan kami.

Nang pareho na naming marating ang classroom ay wala pa rin kaming tigil sa pagk-kwentuhan at tsaka lang kami tumigil nang dumating na ang teacher namin sa Science. Tumahimik na ang lahat dahil nagtu-turo na ang teacher sa harapan.

Mabilis lang na lumipas ang oras at recess na kaya naman lumabas na kami ni Jenny ng classroom at saktong pag labas namin ay nakasalubong namin si Luke kasama ang kaibigan niyang si Uno.

"Oy, nandiyan na pala 'yung may gusto sa akin eh." Nakangising sabi ni Uno habang nakatingin kay Jenny, nang-aasar nanaman ang mokong.

"Hala. May nakapasok bang asungot dito sa loob? Tara na nga." Ganting pang-aasar naman ni Jenny kaya sinamaan siya ng tingin ni Uno.

"Kunwari ka pa, Jenny eh may gusto ka naman talaga sa akin!" Tugon ni Uno kaya sumingit na ako.

"Mygosh! Mag-aaway pa ba kayo? Let's go na. Gutom na ako." Sabi ko sa kanila tsaka tumingin kay Luke na tahimik kaya tumaas ang kilay ko at bumulong kay Uno.

"Hoy, Uno. Anong nangyari diyan?" Tanong ko habang nagla-lakad kami.

"Malay ko diyan." Sabi ni Uno kaya napangiwi nalang ako at nang makarating sa canteen ay kinuha ko ang chance na kausapin ang bestfriend ko habang nasa pila pa ang dalawa.

"Ano nangyari sa 'yo?" Tanong ko at napatingin naman sa akin si Luke pero umiling lang siya.

"What is it nga?" Pangungulit ko at bumuntong hininga naman siya.

"Iniisip ko si Mama, nakunan kasi siya." Sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko.

"What?"

"Oo. Naaawa nga ako kasi lagi lagi siyang umiiyak kay Papa." Sabi ni Luke at magta-tanong pa sana ako pero dumating na 'yung dalawa kaya tumahimik na ako.

----

Note: hello, i'll write this but maybe a months or so. i still have a lots of on-going and story in my mind. please bear with me. Anw, the title of book two is Malay mo, tayo. Thank you!

Akala ko siya na (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon