Chapter 14

973 39 12
                                    

Irene's POV

Saktong paglabas ko ng hospital ay sya ring pagsalubong ng gulat na gulat na si Nathan. Hindi ko sya kinibo at basta nalang yumakap sa kanya. Iniyak ko lahat sa balikat nya ang luha ko hanggang sa mapagod ako.

Tanong sya ng tanong kung anong nangyari pero hindi ko sya sinagot kaya inuwi nya nalang ako sa bahay. Pagdating naman sa bahay namin ay dumeretso ako sa kwarto para tawagan si Benjie at sabihing dumeretso sya dito.

"Bakla, anong nangyari?" tanong ni Benjie. Agad akong naluha nang itanong nya yun sa akin. Hindi ko alam kung bakit nagiging emotional ako ngayon.

"Ano ba talagang nangyari at nagiging emotional ka? Buntis kaba, Bakla?" gulat nyang tanong kaya nanalaki ang mata ko at agad na umiling.

"Hindi! Ano bang iniisip mo!?"

"Eh kasi diba ang mga buntis nagiging emotional?" natatawa nyang tanong kaya natawa rin ako at agad pinalis ang luha sa aking pisngi.

"Oh diba? Tumawa karin?" nakangiting ani Benjie kaya bumuntong hininga ako.

"Kanina. Pinuntahan namin si Anna, tinanong ko kung bestfriend pa ba nya ako tapos ang sagot nya.. hindi na raw." malungkot kong sabi sa kanya.

"Jusko kang bakla ka! Eh ano naman kung hindi nya na tayo kaibigan!? Hindi sya kawalan! Sya ang nawalan nang kaibigan, Irene." usal nya kaya pilit akong napangiti.

Alam kong nandito pa si Benjie pero ang sakit parin na nawalan nanaman ako ng kaibigan dahil sakin. Ganito ba talaga? May darating tapos may mawawala? Hays. Pakiramdam ko dahil sa naging relasyon namin ni Nathan kaya hindi na bestfriend ang turing sakin ni Anna.

"Bakla, nandito lang ako. Tatandaan mo yan okay? Basta ako, hinding hindi kita iiwan. Ikaw nalang ang tunay kong kaibigan ngayon." nakangiting usal ni Benjie kaya napangiti rin ako at yumakap sa kanya.

"Thanks, Baks." bulong ko.

Agad ring nagpaalam si Benjie sakin dahil may family dinner pa daw sila. Pagbaba ko sa may salas ay nandoon sila Mama, Ate, Isaac at Isabelle. May kanya kanya silang ginagawa. Si Mama nanonood, si Ate nagcecellphone, at si Isabelle at Isaac eh naglalaro. Natigil silang lahat sa paglalaro nang makita nila ako.

"Wow. Parang ngayon lang uli tayo nagkita-kita ah?" natatawang ani Ate.

"Oo nga." si Mama.

"Edi tara, bonding tayo." nakangiting yaya ko sa kanila kaya nagliwanag ang paningin nila.

"Dating gawi! Sa karendirya tayo kumain!" singit ni Ate kaya masaya kaming nagbihis pare-pareho.

Paglabas naming pare-pareho ng bahay ay nagulat ako ng makitang nandoon narin si Nathan. Pagtingin ko kila Mama, may kanya kanya na silang ginagawa kaya napailing nalang ako. Malamang napagkasunduan nilang isama 'tong isa.

"Hi, Babe!" masiglang bati nya kaya natawa ako. Hayip! Grabeng taas ng energy neto ah?

"Hello? Tara na." agad kong yaya dahil gutom na ako.

After a year, nagawa rin namin ulit 'to. At ang mas masaya pa, nadagdagan kami ng kasama. May nawala man, may dumating naman na bago. Totoo pala talaga yun, 'no? Kapag may nawala, may darating. Masaya kaming pumunta doon sa dati naming kinakainan nila Ate at Mama na karendirya. Mami ang benta nila dito. Kilala narin kami dito nung nagbebenta dahil dati, parati kaming nakain dito.

"Aling Letty! Kamusta po?" nakangiting tanong ko kay Aling Letty, sya ang may-ari at nagpapatakbo nitong karendirya kasama ang dalawang lalaking anak na kaedad ko at kaedad ni Ate.

Akala ko siya na (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon