Chapter 1

5.6K 116 73
                                    

Irene's POV

"Hoy! Gumising kana dyan!" sigaw ni Ate na akala mo naman ang layo layo sa akin.

"Gising na nga eh diba!?" inis kong tanong sa kanya tsaka inayos ang kama ko.

"'Bat ka galet?" nang-aasar na tanong nya kaya inis akong dumeretso sa banyo ng kwarto ko.

Lakas mang-asar ah? Humanda ka sakin mamaya.

Pagkatapos kong maligo eh bumaba na ako para kumain ng almusal. Pero pagbaba ko palang hindi ko inaasahan ang makikita ko. Si Papa. Si Papa ko na nagloko kay mama tapos etong mama ko naman marupok kaya nung bumalik si Papa aba edi 'Welcome back' sya ke' Mama. Kahit nagkaanak si Papa sa ibang babae, tinanggap parin sya ni Mama. Ganon ba talaga? Kahit anong kasalanan ng taong mahal mo eh tatanggapin mo parin kahit nasaktan kana? Hay nako talaga. Buhay parang life.

"Oh anak! Goodmorning!" bati ni Mama sakin pero hindi ako umimik kaya siniko ako ni Ate pero tinaasan ko lang sya ng kilay tsaka nagdere-deretso sa hapag-kainan.

Habang nakain kami tahimik lang ako at sila mama naman ay walang tigil sa pagkwe-kwentuhan kung hindi pa ako tatayo.

"Papasok kana? Sabay na tayo!" ani Ate pero di ko sya pinakinggan at dumeretso lang ako sa dirty kitchen tsaka nagsepilyo at humarap ulit sa kanila.

"Papasok na po ako." maikling paalam ko at aalis na sana ng magsalita si Isabelle, half sister ko.

"Ate ayaw mo po bang nandito kami?" parang maiiyak nyang tanong pero hindi man lang nun nabago ang itsura ko at sa halip ay walang pasabi nalang na umalis.

Issa's POV

Sa nakita kong pag-asta ni Irene kanina, alam kong hindi nya pa napatawad si Papa. Ako rin naman eh, noon. Pero kasi matagal na yun at pareho kami ni Mama na napatawad na si Papa. Tsaka nandyan na yung bata so wala na syang magagawa pa.

"I'm sorry po sa iniasta ni Irene. Intindihin nalang natin sya dahil malamang masakit parin para sa kanya yung nangyari. Mauuna narin po ako, baka sakaling maabutan ko sya at makausap." sabi ko sa kanila tsaka isa isang hinalikan sa pisngi.

"Ate..." tawag sakin ni Isabelle kaya napalingon ako sa kanya at nagulat ako ng may ibulong sya sakin na...

Thankyou.. Ate

Agad naman akong napangiti dahil sa binulong nya sakin. Paglabas ko ng bahay hindi nga ako nagkamali. Naabutan ko si Irene na naglalakad palabas nitong village namin.

"Hoy!" sigaw ko sa kanya kaya napaatras ako ng makita ang masamang tingin nya sakin.

"Ano!?" galit at pasigaw rin nyang tanong sakin kaya nilabanan ko ang masamang tingin nya.

"Ano yon?" tanong ko na itinuro ang bahay namin, tinutukoy yung iniasta nya kanina.

"Bahay." pilosopo nyang sagot sakin kaya binatukan ko sya.

"Aray!" asik nya pero di ko yun pinansin.

"Ibig kong sabihin, bakit ganon yung inasta mo kila Mama at Papa? Alam mo bang nalungkot silang tatlo?" tanong ko at iniiwas nya naman ang paningin nya.

Akala ko siya na (Completed) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora