Chapter 7

1.2K 52 7
                                    

Irene's POV

Nagulantang ang buong pagkatao ko sa narinig ko galing kay Nathan. Anong ibig nyang sabihin na hindi nya kayang lumalayo ako sa kanya? Ayaw nya ba akong lumayo kasi gusto nya na rin akong laging nasa tabi nya? Jusko, Irene! Ang assuming mo!

"Hoy bakla! Ayun si Anna oh." martes ng umaga habang nandito kami ni Benjie sa may batibot ng school. Agad kong tinignan ang tinitignan nya at doon ko nga nakita si Anna na papalapit

Kay Nathan.

"Ay. Paasa ang lola mo. Akala ko dito sya satin dederetso dahil tayo ang kaibigan nya." diniinan ni Benjie yung word na 'Kaibigan' kaya bumuntong hininga nalang ako.

"Uyy! Anong meron sa inyo, huh?" nanunuksong tanong ko pagkalapit sa kanila. Kahit masakit, tatanggapin ko parin.

"W-wala, 'no? M-magkaibigan lang kami." nahihiyang sagot ni Anna kaya bumaling ako kay Nathan.

"Akala ko ba ayaw mong lumayo ako? Eh bakit parang kayo ang nalayo samin?" nakangising biro ko sa kanila.

"Ano? Hindi kami nalayo 'no! May iba akong gusto!" biglang sigaw ni Nathan na ikinagulat ko lalo na ni Anna. Agad napalitan ng pilit na ngiti ang natural na ngiti ni Anna kanina.

"Okay kalang?" tanong ko kay Anna na ikinagulat nya.

"Ha? O-oo naman!" pinilit nyang maging masigla ang boses nya pero nang tignan ko ang mga mata nya ay malungkot sya.

May gusto rin kaya sya kay Nathan?

Bigla nanamang parang may tumusok sa puso ko nung maisip ko na may gusto sya kay Nathan. Ang saya siguro 'non. Gusto ko si Nathan habang gusto nila ni Anna yung isa't isa. Bakit ko ba naiisip yun? Ang tanga ko talaga hays. Ako ang gumagawa ng paraan para masaktan ako, ano ba yan.

"Bakit nga pala kayo nandito?" nagulat kaming dalawa ni Benjie sa tanong na yun ni Anna sa amin. Si Nathan naman prenteng nakaupo lang.

"Ay? Bawal ba ang mga kaibigan mo dito, Anna?" seryosong tanong ni Benjie na may diin ulit sa word na 'Kaibigan' na ikinagulat naman ni Anna.

"N-no. Hindi yun ang ibig kong sabihin-" natigil sya sa pagsasalita ng magsalitang muli si Benjie.

"Umamin ka nga? Bakit parang umiiwas ka samin ni Irene this past few days? Tsaka bakit parang ang tagal tagal nyo ng magkakilala ni Nathan kung magsama kayo?" nagugulat na nilingon ni Anna at Nathan si Benjie tsaka sila nagkatinginan. Bakit parang may mali?

"H-ha? H-hindi. Ngayon lang kami nagkakilala ni N-nathan. Tsaka kung iniisip nyong umiiwas ako, hindi ganon yun. Gusto ko lang magsabi sa iba ng problema dahil alam kong may problema rin kayo at ayoko lang makadagdag." sagot nya kay Benjie kaya bumuntong hininga ako.

"Tama na yan. Male-late na tayo sa first period." sabat ko tsaka hinila si Benjie paalis doon.

"Sabi sa'yo hindi ko na kilala si Anna ngayon eh." sabi ni Benjie pagdating sa room. Wala pa kasi sila Anna kaya nakakapagchika sya.

"Hays. Hayaan mo nalang sya, Benjie. Baka ayaw nya lang makadagdag sa problema natin."

"I know. Pero alam mo yun? Pakiramdam ko may mali eh. Kaibigan natin sya at kung kaibigan rin ang turing nya sating dalawa hindi nya gagawin yun. Dapat nagsasabi pa rin sya." parang naiinis na sabi ni Benjie sakin. Hindi na ako nakasagot dahil dumating na yung dalawa na nagtatawanan pa kasunod si Miss.

"San kayo galing?" tanong ko pagkaupo nya sa upuan nya at nakita ko namang sumilay ang ngisi sa labi nya. Paniguradong may naimagine nanaman 'tong bwisit na 'to.

Akala ko siya na (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon