Chapter 16

898 57 8
                                    

Irene's POV

Pagdating namin sa Hospital na kinaroroonan ni Anna ay habol habol namin ang hininga naming tatlo. Ano nanaman kayang ginawa ni Anna sa sarili nya? Kung may problema sya, hindi nya kailangan saktan ang sarili nya. Hindi naman maaayos ng paglalaslas nya ang problema nya eh. Hays.

"Nasan po yung room ni Anna Fernandez?" tanong ko dun sa nurse na nasa nurse station.

"Ah sa second floor. Room 212." sagot nung babae. Tango lang ang naging tugon ko sa kanya tsaka kami pumunta nila Nathan at Benjie.

Pagpasok namin sa kwarto nya, gulat na gulat kami ng makitang napakaraming makina ang nakakabit sa kanya. Meron rin syang bandage sa ulo. Saktong pumasok ang Doctor kaya nilapitan ko sya.

"Doc, what happened to her?"

"According dun sa lalaking nagdala sa kanya rito, naaksidente sya. Naglalakad raw na parang wala sa sarili si Ms. Fernandez tapos hindi nya nakita na may paparating na bus kaya sya naaksidente. Malakas raw yung pagkakatama ng ulo nya sa semento kaya there's a posibility na magka-amnesia sya. Kahit yung paa nya ay maaaring magkadiperensya dahil nadale rin daw yun. " mahabang sabi ng doctor kaya kinabahan ako.

"Who is that boy, by the way?" tanong ko ng walang makapagsalita saming tatlo.

"It's me." anang isang lalaki na kapapasok lang.

"Who are you?" si Nathan naman ang nagsalita.

"My name is Kristoff Villanueva." pakilala nya na naglahad ng kamay sa amin.

"Nathan." si Nathan ulit ang unang tumanggap sa kamay nya. Nung kukunin ko na yung kamay ni Kristoff at magsasalita, bigla nalang akong hinila ni Nathan palayo.

"She's Irene, my girlfriend." may diin sa huling salitang sabi ni Nathan kaya napailing nalang ako.

Ngumiti nalang ako sa kanya bilang paumanhin sa inasta ni Nathan. Akala mo naman maaaggaw ako nitong si Kristoff sa paghawak-hawak lang ng kamay eh. Nakipagkilala narin si Benjie sa kanya, at ang bakla aba! Walang tigil sa pakikipagkwentuhan kay Kristoff. Pano ba naman kasi ang pogi. Pero mas pogi parin si Nathan, 'no.

"By the way, Kristoff. Thanks for bringing my friend here at the Hospital." usal ko nung nag-C.R si Benjie.

"Wala yun. Tsaka yung mga tao kasi doon mukhang tangang sinisilip pa yung kaibigan nyo. Hindi pa tumawag ng ambunsya kaya ako na mismo ang nagdala sa kanya rito." ani Kristoff kaya napatingin ako sa walang malay na si Anna.

Dumaan ang ilang oras pero hindi parin nagising si Anna. Napag-isipan naming tatlo na salitan kami ng pagbabantay dahil hindi raw makauwi si Tita Arielle dahil sa business nila. Ewan ko ba. Naaksidente na si Anna pero business parin ang iniisip nya. Isa ba yun sa dahilan kung bakit depress si Anna ngayon? Hays. Napagdesisyonan naming magsalitan ng pagbabantay kay Anna.

"Babe, you sure you're going to be fine here alone?" kanina pa tinatanong ni Nathan yan na naging dahilan kung bakit hindi sila makauwi-uwi ni Benjie.

"Yes, Babe. Besides, I'm not alone here naman."

"She's right. I'm going to stay here too." ani Kristoff na may dalang pagkain kaya nangunot ang noo ni Nathan.

"What? No, Babe. Ako nalang ang magbabantay ngayon-"

"Nathan, it's okay. Gusto ko kapag nagising si Anna, ako ang una nyang makita." pang-uuto ko nalang kay Nathan. Bumuntong hininga muna sya bago sumagot sakin.

"Fine. Just.. Just don't go near him, okay?" bulong nya kay natawa ako.

"Okay po, Boss Babe." natatawa kong usal sa kanya tsaka sila hinatid ni Benjie sa may pintuan nitong kwarto ni Anna.

Akala ko siya na (Completed) Where stories live. Discover now