Chapter 18

862 57 13
                                    

Irene's POV

Ngayon ay October 10, 4th monthsarry namin ni Nathan. Sabado ngayon kaya naisip kong yayain syang lumabas for our 4th monthsarry.

Naka shorts at crop top lang ako ngayon then sneakers. Simpleng date lang ang gusto ko ngayong monthsarry namin. Ako na ang pumunta sa bahay nya dahil siguradong tulog pa 'to ng ganitong oras.

Agad akong nag dorbell sa bahay nya at gulat naman akong napatingin dun sa babaeng nagbukas ng gate sakin. Hindi ako nagkakamali, sya yung babaeng nasa picture frame sa loob ng bahay ni Nathan. Seryoso nya akong tinignan kaya napalunok ako.

"Ikaw ba si Irene Amaris Tuazon?" malamig nyang tanong sakin kaya mas lalo akong napalunok.

"A-ako nga p-po." utal kong sabi sa kanya. Tinanguan nya lang ako tsaka ako sinenyasang pumasok sa loob.

Pagpasok sa loob ay mas nagulat ako ng makitang nandoon rin yung Daddy nya, pati si Nathan ay gising narin at blangkong ekspresyon lang ang ibinigay sakin kaya kinabahan ako.

"Iwan nyo muna kami." malamig na ani Nathan sa mga magulang kaya pag-alis nila ay naging awkward para sakin na maiwan kaming dalawa dito.

"Ahm m-may sasabihin kaba?"

"I'm going back to States for my sister." malamig na aniya kaya tumango naman ako.

"Ah oo sige, hihintayin nalang kita." nakangiti pero malungkot kong sabi sa kanya.

Hindi ko sya pwedeng pigilan na h'wag puntahan yung kapatid nya dahil mas mahalaga sa kanya ang kapatid nya.

"Hindi ko alam kung babalik pa ako, Irene." seryosong sabi nya ka ikinagulat ko.

"O-okay lang, maghihintay parin ako." pilit ang ngiting sabi ko kaya napabuntong hininga sya.

Bakit parang may mali?

"My Mom doesn't want me to stay here anymore, Irene." malungkot na aniya kaya natigilan ako.

Ibig sabihin hindi na kami magkikita? Ibig sabihin hindi ko na sya mayayakap? Pero anong magagawa ko? Girlfriend nya lang ako, Mommy nya yun.

"G-ganon ba?" nasabi ko nalang.

"To be honest, ayaw sa'yo ng Mommy ko, Irene. Gusto nya ay ang magkabalikan kami ni Anna." aniya kaya mas lalo akong natigilan.

Sign na ba 'to na dapat ko syang palayain at ipaubaya? Pero hindi ko kaya eh. Hindi ko yata kakayanin. Bahala na si batman.

"Kung gusto mo syang balikan palalayain kita. Papalayain kita kahit masakit para sakin na gawin yun." nakangiting sabi ko sa kanya.

"Babe..." naiusal nya kaya bigla ay parang gusto kong maiyak ng tawagin nya ako sa katagang iyon. Pinigilan kong maluha dahil ayokong makita nya akong naiyak.

"Sige na. Uuwi na muna ako ha? Sumama kana sa Parents mo." nakangiting sabi ko sa kanya tsaka humalik sa pisngi.

"Happy 4th monthsarry, Babe." huling sinabi ko bago ako lumabas ng bahay nya.

Pagpasok ko sa kwarto ay doon ko inilabas ang luha ko. Iyak ako ng iyak hanggang sa mag-gabi. Pinatay ko ang cellphone ko para hindi sila makatawag. Ni-lock ko rin ang pintuan ko dahil gusto kong mapag-isa ngayon. Hindi ako lumabas ng kwarto ko hanggang mag-gabi dahil wala akong ganang kumain o gumawa ng kung ano.

Kinabukasan ganon uli ang ginawa ko. Alalang-alala na sila Mama, Ate, at Isabelle sakin pero hindi ko sila kinibo ni isa. Sinasabi rin nila sakin na kinakamusta ako ni Nathan pero hindi ko sila pinapansin. Ewan ko, hindi kami nagbreak ni Nathan pero pakiramdam ko yun ang nangyari.

Akala ko siya na (Completed) Where stories live. Discover now