UM: Chap 28

2.4K 72 9
                                    

Hi

Nasa paper na hawak niya kaming dalawa. Nakalagay sa baba noon ay 'Mommy and Me' at meron din sa lower right part ng papel ay 'No Daddy' pero meron doong isang character na halatang binura ng krayola.

Humiwalay ako sa yakap ko sa kanya at malungkot siyang nginitian.

"Your drawing is great, anak. But it's not true that you have no Daddy at all," paalala ko sa kanya. He looked away from my gaze.

I saw how he teared up so I carried him right away from my friends and brought him inside his room.

Pina-upo ko siya sa kama niya at lumuhod sa harapan niya.

Tumulo ang mga luha niya mula sa kaniyang mga mata nang siya'y kumurap.

He let out a quiet sobs.

"Jacreio.. shh. Don't cry. Your Dad will be here.. soon," pagpapakalma ko sa kanya pero sunod-sunod lamang siyang umiling at nagpakawala ng mga hikbi.

"I really don't have a Dad, Mommy. I know it already. Don't lie to me," ang mahina niyang pag-hikbi ay lumakas.

Nataranta ako at yinakap si Jacreio.

"My friends are already bullying me because I don't have a father to fetch on me after our classes. I don't have a father, Mommy! I don't have one," his words were muffled a bit because of his sobs.

Maging ang luha ko'y tumulo na rin dahil sa awa na nararamdaman ko para kay Jacreio.

"Calm down, Jacreio. Mommy will tell your Dad to come here, okay? Don't cry na. You're a big boy na, right? Big boys doesn't cry like that kaya tahan na. Tahan na," I caressed his back and his hair.

Ang malakas niyang pag-hikbi ay unti-unting kumalma.

Inangat ko ang tingin ko sa pader ng kanyang kwarto. Nalungkot ako ng puro naka-ekis na karakter ni Jackson ang nakikita ko sa mga papel at tanging kami lang ni Jacreio ang maayos na iginuhit niya roon.

Humiwalay siya sa yakap ko. Naunahan niya akong punasan ang pisngi niya.

And I was surprised when he gently wiped my tears on my cheeks too.

"I'm a big boy. Big boys don't cry like what I did. I'll never be a a cry baby anymore," mahina niyang sabi pero may umaagos pa rin na luha mula sa kanyang mga mata.

Ang mukha niya'y namumula na lalo na ang kanyang ilong at tainga.

Huminga ako ng malalim at tinitigan ang mukha ng aking anak.

Ang kanyang mata ay namana niya sa kaniyang ama. Maging ang matangos nitong ilong at ang mahahabang pilikmata ay nakuha niya rin. Ang namana lang sa akin ni Jacreio ay ang balat niyang maputi at ang kanyang pisnging palaging namumula.

Mas maraming namana si Jacreio mula sa Daddy niya kaysa sa akin.

"Ganito na lang, Jacreio.." umupo ako sa tabi niya at pinaharap siya sa akin. Nanatili siyang nakayuko. "Look at me, anak," wika ko at sinunod niya naman kaagad ako.

I smiled at him. "We're going out sometimes, right?" tumango siya.

"Remember what I told you before about your Dad?" he nod again. "Do it again," akala ko ay matutuwa siya pero yumuko lamang siya ulit at parang nalungkot.

Dati kasi ay sinabi ko sa kanya ang itsura at ayos ng Daddy niya. Sinabi ko lang sa kanya na hanapin niya ang taong katulad ng sinabi ko sa kanya at hindi ko inakalang sinunod niya naman ako.

Sa tuwing lalabas kami ay magugulat na lang ako na iiyak siya at nakita ko ng nasa harap ng isang lalaki na mukhang mas nataranta sa pag-iyak ni Jacreio.

Unregretful Mistake ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon